Ayon kay Ḥudhayfah – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Ang Propeta noon – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – kapag bumangon sa tulog ay naglilinis ng bibig niya sa pamamagitan ng siwāk.” Isinaysay ito ni Al-Bukhārīy na may numerong 245. Isinaysay ito ni Muslim na may numerong 255. Ayon kay Muslim sa isang sanaysay: “Ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – kapag bumangon noon [sa gabi] para sa tahajjud ay naglilinis ng bibig niya sa pamamagitan ng siwāk.” Isinaysay ito ni Muslim na may numerong 255. Ang paglilinis ng bibig na tinutukoy dito ay ang pagkiskis ng siwāk sa mga ngipin nang pahalang.
Ito ay ang nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy mula sa ḥadīth ayon Ḥudhayfah – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: Ang Propeta noon – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – kapag nagnais na matulog ay nagsasabi: “Bismika -llāhumma amūtu wa aḥyā. (Sa ngalan mo, o Allāh, namamatay ako at nabubuhay ako.)” Kapag nagising siya ay nagsasabi siya: “Alḥamdu lillāhi -lladhī aḥyānā ba`da mā amātanā wa ilayhi –nnushūr. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagbigay-buhay sa atin matapos nagbigay-kamatayan sa atin at tungo sa Kanya ang pagkabuhay.)” Isinaysay ito ni Al-Bukhārīy na may numerong 6324. Isinaysay ito ni Muslim mula sa ḥadīth ayon Al-Barrā’ – malugod si Allāh sa kanya. Isinaysay ito ni Muslim na may numerong 2711.
Ito ay tatlong sunnah na nasaad sa ḥadīth ayon kay Ibnu `Abbās – malugod si Allāh sa kanilang dalawa. Muttafaq `alayhi: “Na siya ay nagpalipas ng gabi kina Maymūnah, ang maybahay ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – at ito ay tiyahin niya sa ina. ‘Nahiga ako sa palapad na bahagi ng higaan at nahiga ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – at ang maybahay niya sa pahabang bahagi nito.’ Natulog ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – hanggang sa naghating-gabi o bago nito nang kakaunti o matapos nito nang kakaunti. Gumising ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – at naupo na pinapawi ng kamay niya ang tulog mula sa mukha niya. Pagkatapos ay binigkas niya ang sampung huling talata ng Sūrah Āl `Imrān. Pagkatapos ay tumayo siya papunta sa nakasabit na sisidlan ng tubig. Nagsagawa ng wuḍū’ mula roon at hinusayan niya ang wuḍū’ niya. Pagkatapos ay tumayo siya at nagdasal.” Isinaysay ito ni Al-Bukhārīy na may numerong 183. Isinaysay ito ni Muslim na may numerong 763. Sa isang sanaysay ni Muslim na may numerong 256: “Bumangon ang Propeta ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – sa huling bahagi ng gabi. Pagkatapos ay lumabas at tumingin sa langit. Pagkatapos ay binigkas niya ang talatang ito sa [Sūrah] Āl `Imrān (Qur’ān 3:190): “Tunay na sa pagkalikha sa mga langit at lupa at pagsasalitan ng gabi at araw ay talagang may mga tanda para sa may pag-iisip,” Ang “pinapawi ng kamay niya ang tulog mula sa mukha niya” ay nangangahulugang: Pinapahiran niya ang mga mata niya upang mapawi ang bakas ng pagtulog. Ang sisidlan ng tubig ay ang sisidlang balat. Sa isang sanaysay ni Muslim ay may paglilinaw sa kung ano ang binibigkas niya para sa sinumang nagnanais na ipatupad ang sunnah na ito. Ito ay nagsisimula sa sabi Niya, pagkataas-taas Niya: “Tunay na sa pagkalikha sa mga langit at lupa at pagsasalitan ng gabi at araw” hanggang sa katapusan ng Sūrah Āl `Imrān.

Batay sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah - malugod si Allāh sa kanya – ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsabi: “Kapag nagising ang isa sa inyo sa pagkatulog niya ay huwag niyang ipasok ang kamay niya sa lalagyan malibang nahugasan niya ito nang tatlong ulit sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung saan nagpalipas ng gabi ang kamay niya.” Isinaysay ito ni Al-Bukhārīy na may numerong 162. Isinaysay ito ni Muslim na may numerong 278.
Batay sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya – ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsabi: “Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog ay suminga siya [ng tubig na sininghot] nang tatlong ulit sapagkat tunay na ang Demonyo ay nagpapalipas ng gabi sa mga kaloob-looban ng ilong niya.” Isinaysay ito ni Al-Bukhārīy na may numerong 3295. Isinaysay ito ni Muslim na may numerong 238. Sa isang sanaysay ni Al-Bukhārīy: “Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagkatulog ay magsagawa siya ng wuḍū’ at suminga siya [ng tubig na sininghot] nang tatlong ulit…” Isinaysay ito ni Al-Bukhārīy na may numerong 3295.
Batay sa ḥadīth ayon kay Ibnu `Abbās – malugod si Allāh sa kanilang dalawa – na naunang nabanggit nang ninais ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – na magdasal, tumayo siya papunta sa sisidlan ng tubig na nakasabit at nagsagawa ng wuḍū’ mula roon. Sa pagsasagawa ng wuḍū’, titigil tayo nang saglit upang liwanagin natin rito ang mga sunnah sa wuḍū’ sa maiksing paraan hindi sa paraang detalyado at puspusan dahil ito ay alam na. Magpapaalaala lamang tayo niyon bilang paglubos sa mga sunnah.