languageIcon
search
search
beforeFajronColorIcon Mga sunnah na may nakatakdang oras/ Bago Magmadaling-araw ( Ang bilang nito 2 Ang mga kategorya )
brightness_1 Bahagi ng Sunnah na dasalin ang ṣalāh sa gabi sa oras nitong pinakamainam.

Kaya kapag sinabi: Ano ang pinakamainam na oras para sa ṣalāh sa gabi? Ang sagot: Nalalaman na ang oras ng ṣalāh na witr ay nagsisimula pagkatapos ng `ishā’ hanggan sa pagsapit ng fajr, kaya naman ang ṣalāh na fajr, ang kinalalagyan nito ay ang nasa pagitan ng `ishā’ at fajr. Nagpapatunay rito: A. Ang ḥadīth ayon kay `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagdarasal noon sa pagitan ng pagkatapos ng ṣalāh na `ishā’ hanggang sa fajr ng labing-isang rak`ah. Nagsasagawa siya ng taslīm sa pagitan ng bawat dalawang rak`ah. Nagsasagawa siya ng witr na isang rak`ah.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 2031. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 736. Napagkaisahan ang katumpakan. Tungkol naman sa pinakamainam na oras para sa dasal sa gabi (ṣalātullayl), ito ay ang ikatlong bahagi ng gabi matapos ang hatinggabi. Ang ipinakakahulugan: Na hahatiin ng tao ang gabi sa mga kalahati. Magdadasal sa ikatlong bahagi ng ikalawang kalahati ng gabi at sa huling bahagi ng gabi ay matutulog. Nangangahulugan ito: Na siya ay magdarasal sa ikaanim na bahagi na pang-apat at panglima at matutulog sa ikaanim na bahagi na pang-anim. Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay `Abdullāh bin `Amr – malugod si Allāh sa kanilang dalawa – na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “Tunay na ang pinakakaibig-ibig na pag-aayuno kay Allāh ay ang pag-aayuno ni David. Ang pinakakaibig-ibig na dasal kay Allāh ay ang dasal ni David – sumakanya ang pangangalaga. Siya noon ay natutulog ng kalahating bahagi ng gabi, nagdarasal ng ikatlong bahagi ng gabi, at natutulog ng ikaanim na bahagi nito. Siya noon ay nag-aayuno ng isang araw at tumitigil sa pag-aayuno sa [kasunod na] araw.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 3420. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 1159. Kung sakaling ninais ng tao na ipatupad ang Sunnah na ito, magiging papaano ang pagtataya niya sa gabi. Tatayain mula sa paglubog ng araw hanggang sa pagsapit ng madaling-araw. Pagkatapos ay hahatiin niya ito sa anim na bahagi. Ang unang tatlong bahaging ito ay ang unang kalahati ng gabi. Magdarasal siya pagkatapos nito. Ibig sabihin: magdarasal siya sa ikaanim na bahagi na pang-apat at panglima dahil ito ay itinuturing ng isang ikatlong bahagi. Pagkatapos ay matutulog siya sa huling ikaanim na bahagi. Dahil dito si `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya – ay nagsabi: “Hindi siya natagpuan ng huling bahagi ng gabi – tinutukoy ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – sa piling ko malibang siya ay tulog.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 1133. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 742. Sa pamamagitan ng pamamaraang ito ang Muslim ay magiging nasa pinakamainam na oras para sa dasal sa gabi, gaya ng nasaad sa naunang ḥadīth ayon kay `Abdullā bin `Amr – malugod si Allāh sa kanilang dalawa. Ang Buod ng Pananalita: na Ang Kainaman sa Oras ng Pagdarasal sa Gabi ay Nasa Tatlong Antas: Unang Antas: Na matutulog sa unang kalahating bahagi ng gabi. Pagkatapos ay magdarasal sa ikatlong bahagi nito. Pagkatapos ay matutulog sa [huling] ikaanim na bahagi – gaya ng naunang nabanggit. Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ ḥadīth – malugod si Allāh sa kanilang dalawa – na naunang nabanggit kanina. Ikalawang Antas: Na magdadasal sa huling ikatlong bahagi ng gabi. Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya – ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsabi: “Bumababa ang Panginoon natin, mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya, sa bawat gabi tungo sa mababang langit kapag natitira ang huling ikatlong bahagi ng gabi at nagsasabi: Sino ang dadalangin sa Akin at tutugon Ako sa kanya, sino ang hihiling sa Akin at bibigyan Ko siya, at sino ang hihingi ng tawad sa Akin at magpapatawad Ako sa kanya.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 1145. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 758. Gayon din sa ḥadīth ayon kay Jābir – malugod si Allāh sa kanya – at darating ito. Kung nangambang hindi makapagdasal sa huling bahagi ng gabi, magdasal sa unang bahagi nito, o sa alinman sa mga bahagi ng gabi na madala sa kanya. Ito ang ikatlong antas. Ang Ikatlong Antas: Na magdarasal sa unang bahagi ng gabi, o sa bahaging madali sa kanya sa gabi. Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay Jābir – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Nagsabi ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Ang sinumang nangambang hindi makapagdarasal mula sa huling bahagi ng gabi ay magsagawa ng witr sa unang bahagi nito at ang sinumang nagmimithing magdasal sa huling bahagi nito ay magsagawa ng witr sa huling bahagi ng gabi sapagkat tunay na ang dasal sa huling bahagi ng gabi ay sinasaksihan. Iyon ay pinakamainam.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 755. Mahihinuha rin dito ang tagubilin ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – kay Abū Dharr. Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy sa As-Sunan Al-Kubrā 2712. Itinuring na tumpak ito ni Al-Albānīy (Aṣ-Ṣaḥīḥah 2166) at ni Abu Ad-Dardā’. Isinaysay ito ni Imām Aḥmad na may numerong 27481 at Imām Abū Dāwud na may numerong 1433. Itinuring na tumpak ito ni Al-Albānīy (Ṣaḥīḥ Abī Dāwud 5/177). Ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya – na isinaysay ni Imām Muslim na may numerong 737. Bawat isa ay nagsasabi: “Tinagubilinan ako ng matalik na kaibigan ng tatlo”. Nabanggit mula rito: “at na nagsasagawa ako ng witr bago ako matulog.”

brightness_1 Bahagi ng Sunnah na isagawa ang mga panimulang nasasaad sa dasal sa gabi

4. Bahagi ng Sunnah na isagawa ang mga panimulang nasasaad sa dasal sa gabi. Kabilang doon: A. Ang nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim mula sa ḥadīth ayon kay `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Siya – tinutukoy ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – kapag tumindig sa gabi, ay nagpapasimula sa ṣalāh niya [ng ganito]: “Allāhumma rabba jibra’īla wa mīkā’īla wa isrāfīl, fāṭira -ssamāwāti wa -l’arḍ, `ālima -lghaybi wa -shshahādah, anta taḥkumu bayna `ibādika fīmā kānū fīhi yakhtalifūn, ihdinī lima -khtulifa fīhi mina -lḥaqqi bi’idhnika innaka tahdī man tashā’u ilā ṣirāṭim mustaqīm (O Allāh, ang Panginoon nina Jibrā’īl, Mīkā`īl at Isrāfīl, ang Tagapaglalang ng mga langit at lupa, ang Nakaaalam sa lingid at nasasaksihan, Ikaw ay humahatol sa mga lingkod mo sa anumang pinagtatalunan nila. Patnubayan Mo ako sa pinagtatalunan na katotohanan ayon sa kapahintulutan Mo. Tunay na ikaw nagpapatnubay sa sinumang niloob Mo tungo sa isang tuwid na landasin.)” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 770. B. Ang nasaad sa Ṣaḥīḥān mula sa ḥadīth ayon kay Ibnu `Abbās – malugod si Allāh sa kanilang dalawa – na nagsabi: “Ang Propeta noon – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – kapag nagdasal ng tahajjud sa gabi ay nagsasabi: Allāhumma laka -lḥamdu, anta nūru -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fī hinnā, wa laka -lḥamdu anta qayyimu -ssamāwāti wa -l’arḍi; wa laka -lḥamdu anta rabbu -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fī hinnā; anta -lḥaqqu, wa wa`duka -lḥaqqu, wa qawluka -lḥaqqu, wa liqā’uka -lḥaqqu, wa -ljannatu ḥaqqun, wa -nnāru ḥaqqun, wa -nnabīyūna ḥaqqun, wa muḥammadun ṣalla -llāhu `alayhi wa sallama ḥaqqun, wa –ssā`atu ḥaqq; allāhumma laka aslamtu, wa bika āmantu, wa `alayka tawakkaltu, wa ilayka anabtu, wa bika khāṣamtu, wa ilayka ḥākamtu, fa-ghfir lī mā qaddamtu, wa mā akhkhartu, wa mā asrartu, wa mā a`lantu; anta ilāhī, lā ilāha illā anta. (Ukol sa Iyo ang papuri. Ikaw ay ang Liwanag ng mga langit at lupa. Ukol sa Iyo ang papuri. Ikaw ay ang Tagapagpanatili ng mga langit at lupa. Ukol sa Iyo ang papuri. Ikaw ay ang Panginoon ng mga langit at lupa at sinumang nasa mga ito. Ikaw ay ang Katotohanan. Ang pangako Mo ay ang katotohanan. Ang sabi Mo ay ang katotohanan, Ang pakikipagkita sa Iyo ay ang katotohanan. Ang Paraiso ay katotohanan. Ang Impiyerno ay katotohanan. Ang mga Propeta ay katotohanan. Ang Huling sandali ay katotohanan. O Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako naniwala, sa Iyo ako nanalig, sa Iyo ako nagbalik-loob, dahil sa Iyo nakipagtunggalian ako, sa Iyo ako nagpapahatol. Kaya patawarin Mo ako sa anumang [kasalanang] ipinauna ko, sa anumang [kasalanang] ipinahuli ko, anumang inilihim ko, at anuman inihayag ko. Ikaw ay Diyos ko; walang Diyos kundi Ikaw.)” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 7499. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 768.

brightness_1 Isasagawa ang mga Sunnah na Nasasaad sa Pagbigkas ng Qur’ān

6. Isasagawa ang mga sunnah na nasasaad sa pagbigkas ng Qur’ān dito. Kabilang doon: A. Na bibigkas siya ng Qur’ān nang naghihinay-hinay. Ang ibig sabihin: Na hindi niya papaspasan o mamadaliin ang pagbigkas. B. Na puputul-putulin niya ang pagbigkas nang talata sa talata. Ang ibig sabihin: Na siya ay hindi magdudugtong sa dalawang talata o tatlo nang walang pagtigil, bagkus ay titigil siya sa bawat talata. C. Kapag napadaan siya sa isang talata ng pagluluwalhati kay Allāh, nagluluwalhati siya. Kapag napadaan siya sa isang talata ng paghiling kay Allāh, humihiling siya. Kapag napadaan siya sa isang talata ng pagpapakupkop kay Allāh, nagpapakupkop siya. Nagpapatunay sa naunang nabanggit: Ang ḥadīth ayon kay Ḥudhayfah – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Nagdasal ako kasama ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – isang gabi. Sinimulan niya ang Sūrah Al-Baqarah at naisip ko na yuyukod siya sa ika-isandaang talata ngunit nagpatuloy siya. Naisip na yuyukod sa katapusan nito ngunit sinimulan niya ang Sūrah An-Nisā’ at binigkas. Pagkatapos ay sinimulan niya Sūrah Āl `Īmrān at binigkas ito. Bumibigkas siya nang hinay-hinay. Kapag napadaan siya sa isang talata na may pagluluwalhati kay Allāh, nagluluwalhati siya. Kapag napadaan siya sa isang talata na may paghiling kay Allāh, humihiling siya. Kapag napadaan siya sa isang talata na may pagpapakupkop kay Allāh, nagpapakupkop siya. Pagkatapos ay yumukod siya at nagsimulang magsabi: “Subḥāna rabbiya -l`dhīm. (Napakamaluwalhati ng Panginoon ko, ang Dakila.)” Ang pagyukod niya ay gaya ng [haba ng] pagtayo niya. Pagkatapos ay nagsabi siya: “Sami`a -llāhu liman ḥamidah. (Narinig ni Allāh ang sinumang nagpuri sa Kanya.)” Pagkatapos ay tumayo siya nang matagal, malapit sa [tagal noong] yumukod siya. Pagkatapos ay nagpatirapa siya at nagsabi: “Subḥāna rabbiya -l’a`lā. (Napakamaluwalhati ng Panginoon ko ang Pinakamataas.)” Ang pagpapatirapa niya ay malapit [sa tagal] ng pagtayo niya.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 772. Batay rin sa isinaysay ni Imām Aḥmad – kaawaan siya ni Allāh – sa Musnad niya mula sa ḥadīth ayon kay Umm Salamah – malugod si Allāh sa kanya: Na ito ay tinanong tungkol sa pagbigkas ng Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – kaya nagsabi ito: “Siya noon ay paputul-putol sa pagbigkas niya, talata sa talata: 1. Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain. 2. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. 3. ang Napakamaawain, ang Maawain. 4. ang May-ari ng Araw ng Paggantimpala.” Isinaysay ito ni Imām Aḥmad na may numerong 26583. Nagsabi si Imām Ad-Daraquṭnīy (118): “Ang kawing ng pananalaysay nito tumpak at lahat sila ay mga mapagkakatiwalaan.” Itinuring na tumpak ito ni Imām An-Nawawīy, Al-Majmū` 3/333.

brightness_1 Sunnah na Magsagawa ng Qunūt sa Witr Minsan

Ang ibig sabihin nito rito ay ang panalangin. Iyon ay ikatlong rak`ah na binibigkas doon ang Sūrah 112. Ang qunūt sa witr ay bahagi ng Sunnah ang pagsasagawa nito minsan at ang di-pagsasagawa nito minsan. Pinili ito ni Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah – kaawaan siya ni Allāh. Ang karapat-dapat ay maging higit na madalas ang pagtigil kaysa sa pagsasagawa. Usapin: Inaangat ba ang kamay sa qunūt ng witr? Ang Tumpak: Na siya ay mag-aangat ng mga kamay niya, at alinsunod dito ang sinabi ng mayoriya ng mga pantas – kaawaan sila ni Allāh – batay sa pagpapatibay niyon buhat kay `Umar – malugod si Allāh sa kanya – gaya din ng kay Imām Al-Bayhaqīy, na nagturing na tumpak ito. Nagsabi si Imām Al-Bayhaqīy – kaawaan siya ni Allāh: “Tunay may ilan sa mga Kasamahan – malugod si Allāh sa kanila – na nag-angat ng mga kamay nila sa qunūt.” Tingnan As-Sunan Al-Kubrā 2/211. Usapin: Sa alin sisimulan ang qunūt sa witr? Ang matimbang na pahayag – at si Allāh ay higit na nakaaalam: Na siya ay magsisimula sa pagpupuri kay Allāh – pagkataas-taas Niya – at pagbubunyi sa kanya. Pagkatapos ay dadalangin siya ng pagpapala para sa Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Pagkatapos ay mananalangin siya dahil ito ay higit na malapit sa pagtugon. Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay Fuḍālah bin `Ubayd – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Narinig ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ang isang lalaking dumadalangin sa ṣalāh niya ngunit hindi dumalangin ng pagpapala sa Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – kaya nagsabi ang Propeta: “Nagmadali ito.” Pagkatapos ay tinawag nito ito at nagsabi rito at sa iba pa rito: “Kapag nagdasal ang isa sa inyo, magsimula siya sa pagpuri kay Allāh at pagbunyi sa Kanya. Pagkatapos ay manalangin siya ng pagpapala sa Propeta. Pagkatapos ay ipanalangin niya pagkatapos ang anumang loobin niya.” Isinaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy na may numerong 3477 at nagsabi siya: Ito ay ḥadīth na maganda na tumpak.” Nagsabi si Ibnu Al-Qayyim – kaawaan siya ni Allāh: “Ang itinuturing na kaibig-ibig sa panalangin ay magsimula ang dumadalangin sa pagpuri kay Allāh at pagbunyi sa kanya bago ang [paghiling ng] kinakailangan niya. Pagkatapos ay hihilingin niya ang kinakailangan niya gaya ng nasa ḥadīth ayon kay Fuḍālah bin `Ubayd. Tingnan: Al-Wābil Aṣ-Ṣayyib, p. 110. Usapin: Ipapahid ba sa mukha ang mga kamay matapos ang panalangin sa qunūt? Ang Tumpak: Hindi itinuturing na sunnah ang pagpahid sa mukha makaraang matapos ang panalangin dahil sa kawalan ng tumpak na patunay roon. Tinanong si Imām Mālik – kaawaan siya ni Allāh – tungkol sa lalaking nagpapahid ng palad niya sa mukha niya matapos ang panalangin. Minasama niya iyon at sinabi: “Hindi ko nalaman.” Tingnan: Kitāb al-Witr ni Al-Marūzīy, p. 236. Nagsabi si Shaykh Al-Islām – kaawaan siya ni Allāh: “Tungkol sa pagpapahid sa mukha ng mga kamay, walang nasaad hinggil dito maliban sa isang ḥadīth o dalawang ḥadīth na hindi maibabatay sa kanila ang patunay.” Tingnan: Al-Fatāwā 22/519.

brightness_1 Sunnah na Magdasal sa Gabi ng Pinakabanayad Para sa Sarili

Kapag dinapuan siya ng pananamlay, nagdarasal siya na nakaupo. Batay sa ḥadīth ayon kay Anas – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Pumasok ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – sa masjid at may lubid na nakatali sa pagitan ng dalawang halaga kaya nagsabi siya: Ano ito? Nagsabi sila: Para kay Zaynab; nagdarasal sila at kapag tinamad siya o nanamlay, humahawak siya rito. Nagsabi siya: Kalagin ninyo ito upang magdasal ang [bawat] isa sa inyo ayon sa sigla niya. Kapag tinamad siya o nanamlay, maupos siya.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 1150. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 784. Kapag dinapuan ng antok, matutulog upang magdasal sa gabi nang masigla, at saka siya magdasal matapos niyon. Batay sa ḥadīth ayon kay `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya – ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsabi: “Kapag inantok ang isa sa inyo sa ṣalāh, matulog siya hanggang sa mawala sa kanya ang tulog sapagkat tunay na ang isa sa inyo kapag nagdasal habang siya ay inaantok. Marahil siya ay malilito: hihingi siya ng tawad at saka aalipustain niya ang sarili niya.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 212. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 786. Gayon din kapag dinapuan ng antok at tulad nito habang siya ay bumibigkas ng Qur’ān sa gabi sapagkat tunay na ang Sunnah ay ang matulog upang magpalakas. Batay sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya – ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsabi: “Kapag bumangon ang isa sa inyo sa gabi at nauutal ang Qur’ān sa dila niya kaya naman hindi niya nalaman ang sinasabi niya, mahiga siya.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 787.