languageIcon
search
search
brightness_1 Sunnah ang Paggamit ng Pabango

Batay sa ḥadīth ayon kay Anas – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Nagsabi ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Pinaibig sa akin mula sa Mundo ang mga maybahay at ang pabango, at inilagay ang lugod ng mata ko sa dasal.” Isinaysay ito ni Imām Aḥmad na may numerong 12293. Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy na may numerong 3940. Nagsabi si Al-Albānīy sa Ṣahīḥ An-Nasā’īy: magandang tumpak. Ang pananalitang Pinaibig sa akin mula sa Mundo ang mga maybahay at ang pabango, at inilagay ang lugod ng mata ko sa dasal ay mahina. Siya noon – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nasusuklam na makalanghap mula sa kanya ng mabahong amoy sapagkat nasaad sa ganang kay Imām Al-Bukhārīy sa isang mahabang ḥadīth ayon kay `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay naghihigpit noon na makalanghap mula sa kanya ng amoy.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 6972. Ang Pinakamabangong Pabango ay ang Musk. Dahil sa nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim mula sa ḥadīth ayon kay Sa`īd Al-Khudrīy – malugod si Allāh sa kanya: “Ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay bumanggit na isang babae kabilang sa mga anak ni Israel, na nagpalaman sa singsing niya ng musk gayong ang musk ay ang pinakamabangong pabango.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2522. Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud sa pananalitang: “Nagsabi ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Ang pinakamabango sa pabango niya ay ang musk.” Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud na may numerong 3158. Itinuring na tumpak ito ni Al-Albānīy, Ṣaḥīḥ Abī Dāwud 3/200. Kinasusuklaman ang Pagtanggi sa Pabango. A. Ang ḥadīth ayon kay Anas – malugod si Allāh sa kanya: “Ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay hindi tumatanggi noon sa pabango.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 2582.