Bahagi ng sunnah kapag ninais ng Muslim na magsuot ng sapatos niya na magsimula sa kanan. Bahagi rin ng sunnah kapag ninais niyang hubarin ang sapatos niya na magsimula sa kaliwa. Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya: “Ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsabi: Kapag magsasapatos ang isa sa inyo ay magsimula siya sa kanan. Kapag huhubarin niya ito ay magsimula siya sa kaliwa upang ang kanan ay maging una sa dalawa na isapatos at huli sa dalawa na hubarin.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 5856. Sa ibang pananalita ni Imām Muslim: “Huwag maglakad ang isa sa inyo na nakasuot ng iisang sapatos. Isuot niya ang dalawang ito na magkasama o hubarin niya ang dalawang ito na magkasama.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2097. Sa dalawang ḥadīth na ito ay may tatlong sunnah: 1. Na magsimula sa kanan sa pagsusuot ng sapatos. 2. Na magsimula sa kaliwa sa pagsusuot ng sapatos. 3. Na magsuot ng mga sapatos nang magkasama o maghubad ng mga ito nang magkasama kaya naman hindi maglalakas na nakasuot ng iisang sapatos.
Sunnah ang Pagsusuot ng Puting Kasuutan
Ang tinutukoy ay magsuot ng mga kasuutang kulay puti sapagkat tunay na ito ay bahagi ng sunnah batay sa ḥadīth ayon kay Ibnu `Abbās – malugod si Allāh sa kanila – na nagsabi: “Nagsabi ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Magsuot kayo ng mga puting damit ninyo sapagkat tunay na ang mga ito ay kabilang sa pinakamainam sa mga kasuutan ninyo at balutin ninyo rito ang mga patay ninyo.” Isinaysay ito nina Imām Aḥmad na may numerong 2219, Imām Abū Dāwud na may numerong 3878, at Imām At-Titmidhīy na may numerong 994. Itinuring na tumpak ito ni Al-Albānīy, Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` 1/267. Nagsabi ang Shaykh nating si Ibnu `Uthaymīn – kaawaan siya ni Allāh: “Ito ay sumasaklaw sa pagsusuot ng kasuutang puti: ang mga kamisa, ang mga butones, at ang mga salawal, ang lahat ng mga ito ay kabilang sa nararapat na maging kabilang sa puti sapagkat tunay na ito ay higit na mainam, subalit kung sakaling nagsuot ng ibang kulay, walang masama sa kundisyong ito ay hindi kabilang sa anumang natatangi ang pagsusuot nito sa mga babae.” Tingnan: Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ng Shaykh natin 2/1087.
Sunnah ang Paggamit ng Pabango
Batay sa ḥadīth ayon kay Anas – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Nagsabi ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Pinaibig sa akin mula sa Mundo ang mga maybahay at ang pabango, at inilagay ang lugod ng mata ko sa dasal.” Isinaysay ito ni Imām Aḥmad na may numerong 12293. Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy na may numerong 3940. Nagsabi si Al-Albānīy sa Ṣahīḥ An-Nasā’īy: magandang tumpak. Ang pananalitang Pinaibig sa akin mula sa Mundo ang mga maybahay at ang pabango, at inilagay ang lugod ng mata ko sa dasal ay mahina. Siya noon – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nasusuklam na makalanghap mula sa kanya ng mabahong amoy sapagkat nasaad sa ganang kay Imām Al-Bukhārīy sa isang mahabang ḥadīth ayon kay `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay naghihigpit noon na makalanghap mula sa kanya ng amoy.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 6972. Ang Pinakamabangong Pabango ay ang Musk. Dahil sa nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim mula sa ḥadīth ayon kay Sa`īd Al-Khudrīy – malugod si Allāh sa kanya: “Ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay bumanggit na isang babae kabilang sa mga anak ni Israel, na nagpalaman sa singsing niya ng musk gayong ang musk ay ang pinakamabangong pabango.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2522. Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud sa pananalitang: “Nagsabi ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Ang pinakamabango sa pabango niya ay ang musk.” Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud na may numerong 3158. Itinuring na tumpak ito ni Al-Albānīy, Ṣaḥīḥ Abī Dāwud 3/200. Kinasusuklaman ang Pagtanggi sa Pabango. A. Ang ḥadīth ayon kay Anas – malugod si Allāh sa kanya: “Ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay hindi tumatanggi noon sa pabango.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 2582.
Sunnah ang Pagkakanan sa Pagsusuklay ng Buhok
Ang tinutukoy ng pagsusuklay ng buhok ay ang paggamit ng suklay rito at tunay na bahagi ng sunnah na magsimula sa kanang bahagi, pagkatapos ay sa kaliwa. Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Ang Propeta noon – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay naiibigan ang pagkakanan sa pagsasapatos niya, pagsusuklay niya, pagdadalisay niya, at sa lahat ng nauukol sa kanya.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 168. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 268.
Makipag-ugnayan
Tayo
Ikaliligaya namin ang pakikipag-ugnayan at pagtatanong mo