10 Dami ng mga pag-ulit
brightness_1
لَا إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ وَحْدَهُ لَا شَرِيكَ لَهُ، لَهُ الْمُلْكُ وَلَهُ الْحَمْدُ، وَهُوَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
“Ang sinumang magsabi ng Lā ilāha illa llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu lmulku wa lahu lḥamd, wa huwa `alā kulli shay’in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan.), ang sinumang magsabi nito nang sampung ulit kapag nag-umaga, magsusulat para sa kanya dahil dito ng isandaang magandang gawa at bubura para sa kanya dahil ng isandaang masagwang gawa. Magkakaroon siya ng gantimpalang katumbas ng pagpapalaya ng isang alipin. Pangangalagaan siya dahil dito sa araw na iyon hanggan sa gumabi. Ang sinumang magsabi ng tulad niyon kapag gumabi, siya magkakamit ng tulad niyon.” Isinaysay ito ni Imām Aḥmad na may numerong 8719 mula sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya. Itinuring ni Ibnu Bāz – kaawaan siya ni Allāh – na maganda ang kawing ng pananalaysay nito.
1 Dami ng mga pag-ulit
أَصْبَحْنَا وَأَصْبَحَ الْمُلْكُ لِلَّهِ، وَالْحَمْدُ لِلَّهِ لاَ إِلَهَ إِلاَّ اللَّهُ وَحْدَهُ لاَ شَرِيكَ لَهُ، اللهُمَّ إِنِّي أَسْأَلُكَ مِنْ خَيْرِ مَا فِي هَذَا الْيَوم وَخَيْر مَا بعدِه، وَأَعُوذُ بِك مِنْ شَرِّ مَا فِي هَذا اليَوم وَشَر مَا بَعْدِه، اللهُمَّ إِنِّي أَعُوذُ بِكَ مِنَ الْكَسَلِ، وَالْهَرَمِ، وَسُوءِ الْكِبَرِ، وَفِتْنَةِ الدُّنْيَا، وَعَذَابِ الْقَبْرِ
“Amsaynā wa amsa -lmulku lillāhi, wa -lḥamdu lillāh lā ilāha illa -llāh, waḥdahu lā sharīka lah, lahu -lmulku wa lahu -lḥamd, yuḥyī wa yumīt, wa huwa `alā kulli shay’in qadīr; Allāhumma innī as’aluka min khayri mā fī hādhihi llaylati wa khayri mā fīhā, wa a`ūdhu bika min sharri mā fi hādhihi llaylati wa sharri mā fīhā; Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -lkasli wa -lharami wa sū’i -lkibar wa fitnati -ddunyā wa `adhābin fi -lqabr. (Ginabi kami at sa gabi ang paghahari ay ukol kay Allāh. Ang papuri ay ukol kay Allāh. Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Nagbibigay Siya ng buhay at bumabawi Siya ng buhay. Siya sa lahat ng bagay ay Makapangyarihan. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng mabuti sa gabing ito at ng mabuti sa sandaling ito, at nagpapakupkop sa Iyo laban masama rito at sa masama sa sandaling ito. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa katamaran, sa pag-uulyanin, sa kasagwaan ng katandaan, sa tukso ng Mundo, at sa pagdurusa sa libingan.) Kapag nag-umaga, sasabihin [ang tulad] niyon din: Aṣbaḥnā wa aṣbaḥa -lmulku lillāhi,…as’aluka khayra mā fī hādha lyawmi wa khayri mā ba`dah, wa a`ūdhu bika min sharri mā fi hādhihi llaylati wa sharri mā fīhā…. (Inumaga kami at sa umaga ang paghahari ay ukol kay Allāh….humihiling sa Iyo ng mabuti sa araw na ito at mabuti pagkatapos nito, at nagpapakupkop sa Iyo laban masama sa araw na ito at sa masama pagkatapos nito.)” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2723, mula sa ḥadīth ayon kay Ibnu Mas`ūd – malugod si Allāh sa kanya.
اللَّهُمَّ أَنْتَ رَبِّي لَا إِلَهَ إِلَّا أَنْتَ خَلَقْتَنِي، وَأَنَا عَبْدُكَ,وَأَنَا عَلَى عَهْدِكَ وَوَعْدِكَ مَا اسْتَطَعْتُ، أَعُوذُ بِكَ مِنْ شَرِّ مَا صَنَعْتُ, أَبُوءُ لَكَ بِنِعْمَتِكَ عَلَيَّ، وَأَبُوءُ لَكَ بِذَنْبِي فَاغْفِرْ لِي فَإِنَّهُ لَا يَغْفِرُ الذُّنُوبَ إِلَّا أَنْتَ
Ang panginoon ng paghingi ng tawad: “Allāhumma anta rabbī, lā ilāha illā anta, khalaqtanī wa anā `abduka, wa anā `alā `ahdika wa wa`dika ma-staṭa`tu, a`ūdhu bika min sharri mā ṣana`tu, abū’u laka bini`matika `alayya, wa abū’u laka bidhambī, fa-ghfir lī fa’innahū lā yaghfiru -dhdhunūba illā anta. (O Allāh, Ikaw ang Panginoon ko. Walang Diyos kundi Ikaw. Nilikha Mo ako at ako ay alipin Mo. Ako ay nasa ilalim ng kasunduan sa Iyo at pangako sa Iyo hanggang sa abot ng makakaya ko. Nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa masama sa nagawa ko. Kinikilala ko sa Iyo ang biyaya Mo sa akin. Kinikilala ko sa Iyo ang kasalanan ko kaya patawarin Mo ako sapagkat walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw.)” Nagsabi ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “Ang sinumang nagsabi nito sa maghapon habang nakatitiyak dito at namatay sa araw niya bago gumabi, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso. Ang sinumang nagsabi nito sa gabi habang siya ay nakatitiyak dito at namatay bago nag-umaga, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 6306.
اللَّهُمَّ بِكَ أَصْبَحْنَا، وَبِكَ أَمْسَيْنَا، وَبِكَ نَحْيَا، وَبِكَ نَمُوتُ، وَإِلَيْكَ النُّشُورُ
“Kapag inumaga ang isa sa inyo, sabihin niya: Allāhumma bika aṣbaḥnā, wa bika amsaynā, wa bika naḥyā, wa bika namūt, wa ilayka -nnushūr. (O Allāh, sa pamamagitan Mo ay inumaga kami, sa pamamagitan Mo ay ginabi kami, sa pamamagitan Mo ay nabubuhay kami, sa pamamagitan Mo ay mamamatay kami, at patungo sa Iyo ang pagkabuhay.) Kapag ginabi, sabihin niya: Allāhumma bika amsaynā, wa bika aṣbaḥnā, wa bika naḥyā, wa bika namūt, wa ilayka -lmaṣīr. (O Allāh, sa pamamagitan Mo ay ginabi kami, sa pamamagitan Mo ay inumaga kami, sa pamamagitan Mo ay nabubuhay kami, sa pamamagitan Mo ay mamamatay kami, at patungo sa Iyo ang hantungan.)” Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud na may numerong 5068. Isinaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy na may numerong 3391. Isinaysay ito nina Imām An-Nasā’īy sa As-Sunan Al-Kubrā na may numerong 9836 ay Imām Ibnu Mājah na may numerong 3868 mula sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya. Itinuring na tumpak ang kawing ng pananalaysay nito ni Ibnu Bāz – kaawaan siya ni Allāh.
اللَّهُمَّ فَاطِرَ السَّمَوَاتِ وَالْأَرْضِ، عَالِمَ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ، لَا إِلَهَ إِلَّا أَنْتَ رَبَّ كُلِّ شَيْءٍ وَمَلِيكَهُ، أَعُوذُ بِكَ مِنْ شَرِّ نَفْسِي وَمِنْ شَرِّ الشَّيْطَانِ وَشِرْكِهِ، وَأَنْ أَقْتَرِفَ عَلَى نَفْسِي سُوءًا، أَوْ أَجُرَّهُ إِلَى مُسْلِمٍ
“Allāhumma `ālima -lghaybi wa -shshahādati fāṭira -ssamāwāti wa -l’arḍi, rabba kulla shay’in wa malīkahu, ashhadu an lā ilāha illā anta, a`ūdhu bika min sharri nafsī, wa min sharri -shshayṭāni wa shirkihi, wa an aqtarifa `alā nafsī sū’an aw ajurrahu ilā muslim. (O Allāh, ang Nakaaalam sa Nakalingid at Nasasaksihan, ang Tagapaglalang ng mga langit at lupa, Panginoon ng bawat bagay at Tagapagmay-ari nito, sumasaksi ako na walang Diyos kundi Ikaw, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kasamaan ng sarili ko, laban sa kasamaan ng Demonyo at pagtatambal nito, at [laban sa] paggawa ko sa sarili ko ng isang kasagwaan o pagdulot niyon sa isang Muslim.)” Nagsabi ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “Sabihin mo ito kapag inumaga ka, kapag ginabi ka, at kapag matutulog ka sa higaan mo.” Isinaysay ito ni Imām Aḥmad na may numerong 6597. Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud na may numerong 5076. Isinaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy na may numerong 3529. Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy na may numerong 7699 at itinuring na tumpak ang kawing ng pananalaysay nito ni Ibnu Bāz – kaawaan siya ni Allāh.
3 Dami ng mga pag-ulit
بِسْمِ اللَّهِ الَّذِي لَا يَضُرُّ مَعَ اسْمِهِ شَيْءٌ فِي الْأَرْضِ وَلَا فِي السَّمَاءِ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ
“Walang taong nagsasabi sa umaga sa bawat araw at sa gabi bawat gabi ng Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay’un fi -l’arḍi wa lā fi -ssamā’i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm. (Sa ngalan ni Allāh na walang makapipinsala sa pangalan Niya na anumang bagay sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakaaalam) nang tatlong ulit, hindi siya pipinsalain ng anuman.)” Isinaysay ito ni Imām Aḥmad na may numerong 446. Isinaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy na may numerong 10179. Isinaysay ito ni Imām Ibnu Mājah na may numerong 3869 mula sa ḥadīth ayon kay `Uthmān bin `Affān – malugod si Allāh sa kanya. Nagsabi si Ibnu Bāz – kaawaan siya ni Allāh: “Nagsabi si At-Tirmidhīy: ‘magandang tumpak,’ at ito ay gaya ng sinabi niya – kaawaan siya ni Allāh.”
رَضِيتُ بِاللَّهِ رَبًّا، وَبِالْإِسْلَامِ دِينًا، وَبِمُحَمَّدٍ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ نَبِيًّا
“Walang taong Muslim na nagsasabi kapag nag-umaga at kapag gumabi nang tatlong ulit na: Raḍītu bi-llāhi rabban, wa bi-l’islāmi dīnan, wa bimuḥammadin ṣalla -llāhu `alayhi wa sallama nabīyā. (Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad ¬– pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan ¬– bilang Propeta) malibang magiging karapatan nito kay Allāh na kalugdan Nito ito sa Araw ng Pagkabuhay.)” Isinaysay ito nina Imām Aḥmad na may numerong 3389 at Imām Ibnu Mājah na may numerong 3870. Itinuring na maganda ang kawing ng pananalaysay nito ni Ibnu Bāz – kaawaan siya ni Allāh.
اللَّهُمَّ إِنِّي أَسْأَلُكَ الْعَافِيَةَ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ، اللَّهُمَّ إِنِّي أَسْأَلُكَ الْعَفْوَ وَالْعَافِيَةَ فِي دِينِي وَدُنْيَايَ، وَأَهْلِي وَمَالِي، اللَّهُمَّ اسْتُرْ عَوْرَاتِي، وَآمِنْ رَوْعَاتِي، اللَّهُمَّ احْفَظْنِي مِنْ بَيْنِ يَدَيَّ وَمِنْ خَلْفِي، وَعَنْ يَمِينِي وَعَنْ شِمَالِي، وَمِنْ فَوْقِي، وَأَعُوذُ بِعَظَمَتِكَ أَنْ أُغْتَالَ مِنْ تَحْتِي
“Hindi nangyaring ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nag-iwan ng mga panalanging ito kapag inumaga siya at kapag ginabi siya: Allāhumma innī as’aluka -l`afwa wa -l`āfiyata fi -ddunyā wa -l’ākhirah, allāhumma innī as’aluka -l`afwa wa -l`āfiyata fī dīnī wa dunyāya wa ahlī wa mālī, allāhumma-stur `awrātī wa āmin raw`ātī, allāhumma -ḥfidhnī mim bayna yadayya wa min khalfī wa `an yamīnī wa `an shimālī wa min fawqī, wa a`ūdhu bi`adhamatika an ughtāla min taḥtī. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paumanhin at kagalingan sa Mundo at Kabilang-buhay. O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paumanhin at kagalingan sa relihiyon ko, pangmundong buhay ko, mag-anak ko, at ari-arian ko. O Allāh, pagtakpan Mo ang mga kahihiyan ko at patiwasayin Mo ang mga pangingilabot ko. O Allāh, pangalagaan Mo ako mula sa harapan ko at sa likuran ko, sa dakong kanan ko at sa dakong kaliwa ko, at sa itaas ko. Nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo upang hindi ako lamunin mula sa ilalim ko.)” Isinalaysay ito ni Imām Aḥmad sa Al-Musnad na may numerong 4785. Isinaysay ito ni Abū Dāwud na may numerong 5074. Isinaysay ito ni An-Nasā’īy – Al-Kubrā – na may numerong 10401. Isinaysay ito ni Ibnu Mājah na may numerong 3871. Itinuring na tumpak ito ni Al-Ḥākim.
أَصْبَحْنَا عَلَى فِطْرَةِ الْإِسْلَامِ، وَكَلِمَةِ الْإِخْلَاصِ، وَدِينِ نَبِيِّنَا مُحَمَّدٍ - صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ - وَمِلَّةِ أَبِينَا إِبْرَاهِيمَ حَنِيفًا, وَمَا كَانَ مِنْ الْمُشْرِكِينَ
“Ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – kapag nag-umaga noon ay nagsasabi: Aṣbaḥnā `alā fiṭrati -l’islāmi wa kalimati l’ikhlāṣi wa dīni nabīyinā muḥammadin ṣalla llāhu `alayhi wa sallama wa millati abīnā ibrāhīma ḥanīfam musliman wa mā kāna mina -lmushrikīn. (Inumaga kami sa kalikasan ng Islām, salita ng pagpakawagas, Relihiyon ng Propeta naming si Muḥammad – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – at sa kapaniwalaan ng ama nating si Abraham bilang makatotoo at hindi siya naging kabilang sa mga nagtatambal [kay Allāh].)” Isinaysay ito ni Imām Aḥmad na may numerong 21144, 15367. Kapag gumabi at nagsasabi siya: “Amsaynā `alā fiṭrati –l’islā…” Mula ito sa ḥadīth ayon kay `Abdurraḥmān bin Abzā – malugod si Allāh sa kanya – at itinuring na tumpak ang kawing ng pananalaysay nito ni Ibnu Bāz – kaawaan siya ni Allāh.
يَا حَيُّ يَا قَيُّومُ بِرَحْمَتِكَ أَسْتَغِيثُ أَصْلِحْ لِي شَأْنِي كُلَّهُ، وَلَا تَكِلْنِي إِلَى نَفْسِي طَرْفَةَ عَيْنٍ
“Yā ḥayyu, yā qayyūmu, biraḥmatika astaghīthu aṣliḥ lī sha’nī kullahu wa la takilnī ilā nafsī ṭurfata `ayn. (O Buháy, o Tagapagpanatili, sa pamamagitan ng awa Mo ay nagpapasaklolo ako: ituwid Mo para sa akin ang lahat ng kapakanan ko at huwag Mo akong ipaubaya sa sarili ko [kahit] sa isang kisap ng mata.)” Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy na may numerong 10405. Isinaysay ito ni Imām Al-Bazzār 2/282 mula sa ḥadīth ayon kay Anas – malugod si Allāh sa kanya – at itinuring na maganda ito nina Imām Ibnu Ḥijr at Al-Albānīy. Tingnan: Natā’ij al-Afkār, p. 177 at Silsilah al-Aḥādīth aṣ-Ṣaḥīḥah 1/449.
7 Dami ng mga pag-ulit
حَسْبِيَ الله لاَ إِلهَ إِلاَّ هُوَ عَلَيْهِ تَوَكَّلتُ وَهُوَ رَبُّ الْعَرشِ الْعَظِيمِ
“Ḥasbiya -llāhu lā ilāha illā huwa; `alayhi tawakkaltu: wa huwa rabbu -l`arshi -l`adhīm (Sapat sa akin si Allāh. Walang Diyos kundi Siya; sa Kanya ako nanalig at Siya ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki) nang pitong, sasapat sa kanya si Allāh sa bumabagabag sa kanya.” Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud na may numerong 5081 mula sa ḥadīth ayon kay Abu Ad-Dardā’ – malugod si Allāh sa kanya. Ang mga mananaysay nito ay mga mapagkakatiwalaan at mayroon itong hatol ng direktang pag-uugnay sa Propeta gaya ng nabanggit ni Al-Albānīy. Tingnan: As-Silsilah 11/449.
أَعُوذُ بِكَلِمَاتِ اللَّهِ التَّامَّاتِ مِنْ شَرِّ مَا خَلَقَ
“A`ūdhu bikalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq. (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa masama sa nilikha Niya.)” Isinaysay ito nina Imām Aḥmad na may numerong 7898 at Imām At-Tirmidhīy na may numerong 3437 mula sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya. Itinuring ni Ibnu Bāz – kaawaan siya ni Allāh – na maganda ang kawing pananalaysay nito.