Ang Pagdarasal ng Sunnah ng Dhuhr Bago at Matapos Nito
Naunang nabanggit sa pagtatalakay sa mga sunnah rātibah na itinatagubilin na magdasal ng apat na rak`ah bago ang ṣalāh sa dhuhr at na itinatagubilin din na magdasal ng dalawang rak`ah matapos nito, gaya ng ipinahihiwatig hinggil doon ng ḥadīth ayon kina `Ā’ishah, Umm Ḥabībah, at Ibnu `Umar – malugod si Allāh sa kanilang lahat.
Sunnah ang Pagpapahaba ng Unang Rak`ah ng Ṣalāh ng Dhuhr
Batay sa ḥadīth ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Talaga ngang ang ṣalāh sa dhuhr ay pinagsasagawaan ng iqāmah at makapupunta ang papunta sa Al-Baqī` at tugunin nito ang tawag ng kalikasan nito. Pagkatapos ay magsasagawa ito ng wuḍū’. Pagkatapos ay pupunta ito samantalang ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nasa unang rak`ah, na kabilang sa pinahahaba niya.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 454. Alinsunod dito, tunay na bahagi ng sunnah para sa imam na pahabain ang unang rak`ah ng dhuhr, gayon din sa sinumang nagdasal nang mag-isa, at gayon din ang babae sa ṣalāh niya para sa dhuhr. Ito ay kabilang sa mga sunnah na naglalaho. Hinihiling natin kay Allāh – pagkataas-taas Niya – ang pagpapatupad sa sunnah sa anyong pinakaganap at ang pagsisigasig dito.
Sa Sandali ng Tindi ng Init, Sunnah ang Pagpapahuli ng Ṣalāh ng Dhuhr Hanggang sa Humina ang Init
Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya: “Kapag tumindi ang init, magpalamig-lamig kayo bago magdasal sapagkat tunay na ang tindi ng init ay mula sa buga ng Impiyerno.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 533, 534. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 615. Nagsabi ang Shaykh nating si Ibnu `Uthaymīn – kaawaan siya ni Allāh: “Kaya kapag tinaya natin, halimbawa, na ang araw sa mga araw ng taglamig ay sumasapit sa katanghaliang-tapat sa 12:00 at ang `aṣr ay sa mga 4:30, ang pagpapalamig-lamig ay magiging sa bandang 4:00.” Tingnan: Al-Mumti` 2/104. Ang pagpapalamig-lamig ay sumasaklaw sa sinumang nagdarasal sa konggregasyon o sa sinumang nagdarasal nang mag-isa ayon sa tumpak na hatol. Pinili ito ng Shaykh nating si Ibnu `Uthaymīn – kaawaan siya ni Allāh. Alinsunod dito napabibilang doon ang mga babae rin kaya itinuturing na sunnah para sa kanila na magpalamig-lamig sa sandali ng tindi ng init batay sa pagkapanlahat ng ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya.
Makipag-ugnayan
Tayo
Ikaliligaya namin ang pakikipag-ugnayan at pagtatanong mo