Ang Sunnah sa fajr ay ang una sa mga sunnah rātibah (sunnah na tuluy-tuloy) na ginagawa ng tao sa araw niya. Mayroon itong ilang Sunnah. Bago ang paglilinaw nito, kailangang linawin ang ilan sa mga natatangi sa mga sunnah rātibah. Ang sunnah rātibah ay ang sunnah na palagian na nakaugnay sa mga farīḍh (obligadong dasal). Ito ay labindalawang rak`ah lahat. Ayon kay Umm Ḥabībah – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – na nagsasabi: “Ang sinumang magdasal ng labindalawang rak`ah [na sunnah], magpapatayo para sa kanya dahil sa mga ito ng isang bahay sa Paraiso.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 728. Isinalaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy at nagdagdag siya: “apat [na rak`ah] bago ang dhuhr at dalawang rak`ah matapos ito, dalawang rak`ah matapos ang maghrib, dalawang rak`ah matapos ang `ishā’, at dalawang rak`ah bago ang ṣalāh sa fajr.” Isinaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy na may numerong 415 at sinabi niya na ito ay “magandang tumpak.”
A. Ang ḥadīth ayon kay Zayd bin Thābit – malugod si Allāh sa kanya – ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsabi: “Kaya magdasal kayo, o mga tao, sa bahay ninyo sapagkat tunay na ang pinakamainam na dasal ng tao ay sa bahay niya maliban sa dasal na isinatungkulin.”
Ang pinakatiyak sa mga sunnah rātibah ay ang sunnah ng fajr. Nagpapatunay rito: A. Ang ḥadīth ayon kay `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Hindi siya gaanong higit na matindi sa pagsasagawa ng mga dasal na kusang-loob maliban sa dalawang rak`ah bago ang dasal sa madaling-araw.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 778. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 778. B. Ang ḥadīth ayon kay `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya – ayon sa Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – na nagsabi: “Ang dalawang rak`ah sa fajr ay higit na mainam kaysa sa Mundo at anumang nasa loob nito.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 725.
Ang Sunnah sa Fajr ay Natatangi sa Ilang Usapin: Una: Ang pagkaitinatagubilin nito sa paglalakbay at pananatili gaya ng naunang nabanggit. Ang iba naman dito na mga sunnah rātibah, ang sunnah ay hindi isagawa ang mga ito habang nasa paglalakbay gaya ng sunnah rātibah dhuhr, maghrib, at `ishā’.
Ang Sunnah sa Fajr ay Natatangi sa Ilang Usapin: Ikalawa: Ang gantimpala nito dahil ito ay higit na mainam kaysa sa Mundo at anumang nasa loob nito, gaya ng naunang nabanggit. Ang ḥadīth ayon kay `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya – ayon sa Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – na nagsabi: “Ang dalawang rak`ah sa fajr ay higit na mainam kaysa sa Mundo at anumang nasa loob nito.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 725.
Ang Sunnah sa Fajr ay Natatangi sa Ilang Usapin: Ikatlo: Itinuturing na sunnah na paikliin ito. Naunang nabanggit ang patunay niyon. Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya – na siya noon ay nagsasabi: “Ang Sugo ni Allāh ay nagdarasal noon ng dalawang rak`ah [na sunnah] sa fajr at pinaiikli niya ito hanggang sa tunay na ako ay nagsasabi: Bumigkas ka ba sa dalawang [rak`ah na] ito ng Fātiḥah o hindi?” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 1171. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 724. Ngunit isinasakundisyon: na ang pagpapaikli na ito ay hindi nakalalabag sa tungkulin o humahantong ang ṣalāh niya sa pagiging para pagtuka ng manok, kaya naman masasadlak siya sa ipinagbabawal.
Ang Sunnah sa Fajr ay Natatangi sa Ilang Usapin: Ikaapat. Itinuturing na sunnah na bigkasin sa sunnah sa fajr, matapos ang Fātiḥah, sa unang rak`ah ang Sūrah 109, at sa ikalawa ang Sūrah 112, o bibigkasin, matapos ang Fātiḥah, sa unang rak`ah ang Sūrah 2:136, at sa ikalawa ang Sūrah 3:52. Ang mga ito ay kabilang sa mga sunnah na nasaad sa sari-saring mga anyo. Minsan ang isang anyo at minsan ang isa pang anyo.
Ang Sunnah sa Fajr ay Natatangi sa Ilang Usapin: Ikalima: Itinuturing na sunnah ang paghiga sa kanang bahagi ng katawan matapos ang sunnah sa fajr. Nagpapatunay rito: A. Ang ḥadīth ayon kay `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya: “Ang Propeta noon – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – kapag nagdasal siya ng dalawang rak`ah [na sunnah] sa fajr ay humihiga sa kanang tagiliran niya.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 1160. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 736.
Ayon kay Jābir bin Samurah – malugod si Allāh sa kanya: “Ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – kapag nagdasal siya noon ng fajr ay nauupo sa dasalan niya hanggang sa sumikat ang araw nang maigi.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 670. Ang “nang maigi” ay nangangahulugang: “nang mataas.”