languageIcon
search
search
brightness_1 Ang Pag-uulit ng Panalangin at ang Pangungulit Dito

Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay Ibnu `Abbās – malugod si Allāh sa kanilang dalawa – na nauna kung saan nagsabi ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “O Allāh, tuparin Mo sa akin ang ipinangako Mo sa akin. O Allāh, ibigay Mo sa akin ang ipinangako Mo sa akin.” Hindi siya tumigil sa pananawagan sa Panginoon niya – pagkataas-taas Niya – hanggang sa bumagsak ang balabal niya buhat sa mga balikat niya samantalang si Abū Bakr ay nakadikit sa kanya nagsabi: “O Propeta ni Allāh, sumapat na sa iyo ang paghiling mo sa Panginoon mo”. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 1763. Gayon din ang nasaad sa Ṣaḥīḥān mula sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya – noong nag-anyaya ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan –sa liping Daws at nagsabi: “O Allāh, patnubayan Mo ang liping Daws at dahil Mo sila. O Allāh, patnubayan Mo ang liping Daws at dahil Mo sila.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 2937. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2524. Gayon din ang nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim na tinutukoy: “Ang lalaking nagpapahaba ng paglalakbay, na nagulo ang buhok, na naalikabukan, na nag-uunat ng mga kamay niya tungo sa langit: O Panginoon ko, o Panginoon ko.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 1015. Ang sunnah ay manalangin nang tatlong ulit batay sa ḥadīth ayon kay Ibnu Mas`ūd – malugod si Allāh sa kanya – sa Ṣaḥīḥān at nasaad dito: “Siya noon, kapag dumalangin, ay dumadalangin nang tatlong ulit; at kapag humiling, ay humihiling nang tatlong ulit. Pagkatapos ay nagsabi siya: O Allāh, bahala ka na sa Quraysh, nang tatlong ulit.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 240. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 1794.

brightness_1 Ano ang Sasabihin ko sa Panalangin Ko?

Aral: Marahil nagtatanong ang ilan: Ano ang sasabihin ko sa panalangin ko? Ang Sagot: Dumalangin ka ng anumang ninanais mo sa mga bagay-bagay sa buhay sa Mundo at Kabilang-buhay. Magsigasig ka sa pagdalangin gamit ang Jawāmi1 Al-Kalim, ang mga panalanging nasasaad sa Qur’ān at Sunnah. Naglalaman ang mga ito ng paghiling ng mga mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay. Pagnilayan mo ang tanong na ito nang inilahad sa Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – at sumagot siya ng mga salitang dakila na nagtitipon para sa Muslim ng Mundo at Kabilang-buhay. Kay dakila nito bilang nakagagalak na balita at kay sagana nito bilang bigay kaya panghawakan mo ang mga ito at pagbulay-bulayan mo ang mga ito. Ayon kay Abū Mālik Al-Ashja`īy ayon sa ama niya – malugod si Allāh sa kanilang dalawa: “Siya ay nakarinig sa Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – at pinuntahan ito ng isang lalaki at nagsabi: O Sugo ni Allāh, papaano po akong magsasabi kapag hihiling ako sa Panginoon ko? Nagsabi siya: Sabihin mo: Allāhumma ­ghfir lī, wa ­rḥamnī, wa `āfinī, wa ­rzuqnī. (O Allāh, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, palusugin Mo ako, at tustusan Mo ako.)” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2697. Sa isang sanaysay niya: “Ang lalaki, kapag yumakap sa Islām, ay tinuturuan ito ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ng ṣalāh. Pagkatapos ay inutusang dumalangin ng mga salitang ito: Allāhumma ­ghfir lī, wa ­rḥamnī, wa `āfinī, wa ­rzuqnī. (O Allāh, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, palusugin Mo ako, at tustusan Mo ako.)” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2697.