Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya – ayon sa Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – na nagsabi: “Tunay na si Allāh ay ibig ang pagbahin at nasusuklam sa paghihikab. Kaya kapag bumahin siya at nagpuri, tungkulin sa bawat Muslim na nakarinig sa kanya na dalanginan siya ng awa. Tungkol naman sa paghihikab, ito ay mula sa demonyo lamang kaya pigilin niya ito sa abot ng makakaya niya. Kapag nagsabi siya ng ha, tatawa sa kanya ang demonyo.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 2663. Sa ganang kay ni Imām Muslim mula sa ḥadīth ayon kay Abū Sa`īd – malugod si Allāh sa kanya: “Nagsabi ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Kapag humikab ang isa sa inyo ay pigilin niya ng kamay niya sa pagbukas ang bibig niya sapagkat tunay na ang demonyo ay pumapasok.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2995. Kaya ang pagpigil sa paghikab ay nasa pagkontrol gamit ang bibig sa pamamagitan ng pagpigil sa pagbukas nito, o nasa pagdiin ng mga ngipin sa labi, o nasa paglagay ng kamay sa bibig, at tulad niyon.
Gayon din, tunay na Ang Pinakamainam sa naghihikab ay huwag niyang itaas ang tinig Niya sa paghikab gaya ng pagsabi ng HA o AH at tulad nito na mga tinig na inilalabas niya dahil ito ay nag-aanya sa pagtawa ng demonyo sa kanya. Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya – ayon sa Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – na nagsabi: “Ang paghihikab ay mula sa demonyo kaya kapag humikab ang isa sa inyo ay pigilin niya sa abot ng makakaya niya sapagkat tunay na ang isa sa inyo, kapag nagsabi ng HA, ay tinatawanan ng demonyo.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 3298. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2994.
Tawag-pansin: Nasanay ang ilan sa mga tao sa pagpapakupkop laban sa demonyo matapos ang paghikab. Walang patunay roon, bagkus ito ay pagsalungat sa patnubay ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – dahil ito ay nagsaad ng dhikr na hindi sinabi ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – sa kalagayang ito.