languageIcon
search
search
brightness_1 Sunnah ang Magbigay ng Pagbati

Ang mga patunay sa pagiging sunnah ay marami at puspusan. Kabilang sa mga ito ang ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya: “Ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsabi: Ang tungkulin ng Muslim sa Muslim ay anim. Sinabi: Ano po ang mga ito, o Sugo ni Allāh? Nagsabi siya: Kapag nakatagpo mo siya, bumati ka sa kanya; kapag inanyayahan ka niya, tugunin mo siya; kapag humingi siya ng payo sa iyo, pagpayuhan mo siya; kapag bumahin siya at nagpuri kay Allāh, magsabi ka sa kanya ng Yarḥamuka-llāh (Kaawaan ka ni Allāh); kapag nagkasakit siya, dalawin mo siya; at kapag namatay siya, dumalo ka sa libing niya.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2162. Tungkol naman sa pagtugon sa kanya, ito ay isinasatungkulin. Nagpapatunay rito: Ang sabi ni Allāh (Qur’ān 4:86): “Kapag binati kayo ng isang pagbati ay bumati kayo ng higit na maganda kaysa roon o gantihan ninyo iyon. Tunay na si Allāh, sa bawat bagay, ay laging Tagapagtuos.” Ang pangunahing panuntunan sa pag-utos ay ang pagkatungkulin nito hanggat hindi inilihis ito ng isang tagapaglihis. Ipinarating ang napagkasunduang kahatulan ng pagkatungkulin ng pagtugon ng hindi iisa mula sa mga may kaalaman. Kabilang sa kanila sina Ibnu Ḥazm, Ibnu `Abdilbarr, Shaykh Taqīyuddīn, at iba pa sa kanila – kaawaan silang lahat. Tingnan: Al-Ādāb ash-Shar`īyah 1/356. Mu`assasah Ar-Risālah. Ang pinakamainam na pagbigkas ng pagbati at pagtugon, at ang pinakalubos nito ay: Assalāmu `alaykum wa raḥmatu -llāhi wa barakātuhu (Ang kapayapaan ay sumaiyo at ang awa ni Allāh at mga biyaya niya) sapagkat tunay ito ay pinakamagandang pagbati at pinakalubos. Nagsabi si Ibnu Al-Qayyim – kaawaan siya ni Allāh: “Ang patnubay ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay ang pagtatapos ng pagbati hanggang sa wa barakātuhu.” Tingnan: Zād Al-Ma`ād 2/417. Ang pagpapalaganap ng pagbating salām ay sunnah, bagkus ay ginawang kanais-nais dahil sa mabigat na kalamangan batay sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah - malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Nagsabi ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi kayo papasok sa Paraiso hanggang sa manampalataya kayo, at hindi kayo mananampalataya hanggang sa magmahalan kayo. Hindi ba ako maggagabay sa inyo sa isang gawaing kapag ginawa ninyo ay magmamahalan kayo? Ipalaganap ninyo ang pagbati sa gitna ninyo.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 54.

brightness_1 Sunnah ang Pagbati sa Sandali ng Pagpasok sa Bahay

Ito ay napaloloob sa kalahatan ng pagbati. Iyan ay matapos gumamit ng siwāk dahil ang siwāk ay sunnah sa sandali ng pagpasok sa tahanan. Ito ay ang ikaapat na kinalalagyan ng mga kinalalagyan ng pagkabigay-diin ng pagiging sunnah ng siwāk. Ito ay sa sandali ng pagpasok sa tahanan batay sa ḥadīth ni `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya – sa ganang kay Imām Muslim, na nagsabi: “Ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – kapag pumasok siya noon sa bahay niya ay nagsisimula siya sa paggamit ng siwāk.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 253. Kapag nasimulan niya sa bahay niya ang paggamit ng siwāk, pumapasok siya, at bumabati siya sa mag-anak niya kaya naman may ilan sa mga may kaalaman na nagsabing bahagi ng sunnah na bumati ka kapag pumasok ka ng bahay, alinmang bahay kahit pa man walang isang tao sa loob nito batay sa sabi ni Allāh (Qur’ān 24:61): “Kaya kapag pumasok kayo sa mga bahay, bumati kayo sa mga sarili ng isa't isa sa inyo ng isang pagbating mula sa kay Allāh, biniyayaang mabuti. Ganyan nililinaw ni Allāh para sa inyo ang mga kapahayagan nang sa gayon kayo ay makaunawa.” Nagsabi si Ibnu Ḥijr – kaawaan siya ni Allāh: “Napaloloob sa kalahatan ng pagpapalaganap ang pagbati sa sarili ukol sa sinumang pumasok sa isang lugar na walang isang nasa loob nito batay sa sabi Niya (Qur’ān 24:61): Kaya kapag pumasok kayo sa mga bahay, bumati kayo sa mga sarili ng isa’t isa sa inyo” Tingnan: Fatḥ Al-Bārī, Ḥadīth 6235, Kabanata: Ang Pagpapalaganap ng Pagbati ng Kapayapaan. Aral: Makukuha sa naunang nabanggit na itinuturing na sunnah sa pagpasok sa tirahan ang tatlo: Una: Ang pagbanggit sa pangalan ni Allāh – pagkataas-taas Niya – lalo na sa gabi. Batay sa ḥadīth ayon kay Jābir bin `Abdillāh – malugod si Allāh sa kanilang dalawa – na siya ay nakarinig sa Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – na nagsasabi: “Kapag pumasok ang lalaki sa bahay niya at binanggit si Allāh sa sandali ng pagpasok niya at sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ang demonyo: Walang tuluyan sa magdamag para sa inyo at walang hapunan. Kapag pumasok siya at hindi binanggit si Allāh sa sandali ng pagpasok niya, magsasabi ang demonyo: Nagkamit kayo ng tuluyan sa magdamag at hapunan.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2018. Ikalawa: Ang paggamit ng siwāk batay sa ḥadīth ayon kay `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya – at naunang nang nabanggit ito at ang kalagayan nito. Ikatlo: Ang pagbati sa mga tao sa bahay.