languageIcon
search
search

1 Dami ng mga pag-ulit

brightness_1

لاَ إِلهَ إِلاَّ اللّهُ وَحْدَهُ لاَ شَرِيكَ لَهُ، لَهُ الْمُلْكُ وَلَهُ الْحَمْدُ وَهُوَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ، لاَ حَوْلَ وَلاَ قُوَّةَ إِلاَّ بِاللّهِ، لاَ إِلهَ إِلاَّ اللّهُ، وَلاَ نَعْبُدُ إِلاَّ إِيَّاهُ، لَهُ النِّعْمَةُ وَلَهُ الْفَضْلُ، وَلَهُ الثَّنَاءُ الْحَسَنُ، لاَ إِلهَ إِلاَّ اللّهُ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ، وَلَوْ كَرِهَ الْكَافِرُونَ

“Lā ilāha illa -llāh waḥdahu lā sharīka lah, lahu -lmulku wa lahu -lḥamdu wa huwa `alā kulli shay’in qadīr. lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh, lā ilāha illa -llāh, wa lā na`budu illā iyyāh, lahu -nni`matu wa lahu -lfaḍlu wa lahu -ththanā’u -lḥasan, lā ilāha illa -llāhu mukhliṣīna lahu -ddīna wa law kariha -lkāfirūn. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh. Walang Diyos kundi si Allāh, at wala tayong sinasamba kundi Siya. Ukol sa Kanya ang pagbibiyaya at ukol sa Kanya ang pagmamabuting-loob at ukol sa Kanya ang magandang pagbubunyi. Walang Diyos kundi si Allāh. [Kami ay] mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima, kahit pa man masuklam ang mga tumatangging sumampalataya.)” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 596.

.......

100 Dami ng mga pag-ulit

brightness_1

سبحان الله (33)، الحمد لله (33)، الله أكبر (33)، لاَ إِلهَ إِلاَّ اللّهُ وَحْدَهُ لاَ شَرِيكَ لَهُ، لَهُ الْمُلْكُ وَلَهُ الْحَمْدُ وَهُوَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ

Una: “Subḥāna -llāh (Napakamaluwalhati ni Allāh)” 33 ulit, “Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh)” 33 ulit, “Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)” 33 ulit, at sa paglulubos sa isandaan: “Lā ilāha illa ­llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu ­lmulku wa lahu ­lḥamd, wa huwa `alā kulli shay’in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan.)” Batay sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah - malugod si Allāh sa kanya –na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “Ang sinumang nagluwalhati kay Allāh sa katapusan ng bawat ṣalāh nang tatlumpu’t tatlong ulit, nagpuri kay Allāh nang tatlumpu’t tatlong ulit, at nagdakila kay Allāh nang tatlumpu’t tatlong ulit – iyon na siyamnapu’t siyam – at nagsabi sa paglulubos ng isandaan: Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan, patatawarin ang mga kamalian niya kahit pa man tulad ng mga bula ng dagat.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 597.

.......