Iyon ay bago simulan ang wuḍū o bago magmumog. Ito ang ikalawang kalagayan na itinuturing na sunnah ang siwāk. Naunang nabanggit ang unang kalagayan. Nagiging sunnah sa sinumang nagnanais na magsagawa ng wuḍū’ na gumamit ng siwāk batay sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya – na ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsabi: “Kung hindi nga lamang ako makapagpapahirap sa kalipunan, talagang ipag-uutos ko sa kanila ang paggamit ng siwāk sa bawat wuḍū’.” Isinaysay ito ni Aḥmad na may numerong 9928. Isinaysay ito ni Ibnu Khuzaymah, at itinuring niyang tumpak ito (1/73/140), ni Al-Ḥākim (1/245), at ni Al-Bukhārīy bilang komentaryo sa anyo ng pagtitiyak sa usapin ng siwāk na sariwa at tuyot para sa nag-aayuno. Batay sa ḥadīth ayon kay `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Kami noon ay naghahanda para sa kanya ng siwāk niya at pandalisay na tubig niya at gigisingin siya ni Allāh sa anumang oras na niloob Niya sa gabi. Gagamit siya ng siwāk, magsasagawa siya ng wuḍū’, at magdarasal siya.” Isinaysay ito ni Muslim na may numerong 746.
Batay sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya: “Walang wuḍū’ para sa sinumang hindi bumanggit ng pangalan ni Allāh.” Isinaysay ito ni Aḥmad na may numerong 11371, ni Abū Dāwud na may numerong 101, at ni Ibnu Mājah na may numerong 397.
Batay sa ḥadīth ni `Uthmān – malugod si Allāh sa kanya – hinggil sa katangian ng wuḍū’ ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – at nasaad dito: “Nagpakuha siya ng pang-wuḍū’ at nagsagawa siya ng wuḍū’. Hinugasan niya ang mga palad niya nang tatlong ulit…” Nagsabi ito: “Nakita ko ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – na nagsasagawa ng wuḍū’ na tulad ng wuḍū’ kong ito.” Isinaysay ito ni Al-Bukhārīy na may numerong 146. Isinaysay ito ni Muslim na may numerong 226.
Ang pagsisimula sa kanan sa paghuhugas ng mga kamay at mga paa.
Batay sa ḥadīth ni `Uthmān – malugod si Allāh sa kanya – hinggil sa katangian ng wuḍū’ ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “…nagmumog siya, at isininga niya [ang tubig na sininghot]. Pagkatapos ay hinugasan niya ang mukha niya nang tatlong ulit…” Isinaysay ito ni Al-Bukhārīy na may numerong 199. Isinaysay ito ni Muslim na may numerong 226. Kung ipahuhuli ang pagmumumog at ang pagsinghot ng tubig hanggang sa matapos makapaghilamos, ipinahihintulot ito.
Batay sa ḥadīth ayon kay Laqīṭ bin Ṣabrah – malugod si Allāh sa kanya – ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsabi: “Lubusin mo ang wuḍū’, palagusin mo ang tubig sa pagitan ng mga daliri, magpakalubus-lubos sa pagsinghot ng tubig maliban kung ikaw ay nag-aayuno.” Isinaysay ito ni Aḥmad na may numerong 17846, ni Abū Dāwud na may numerong 142. Nagsabi si Ibnu Ḥijr: “Ito ay ḥadīth na tumpak.” Al-Iṣābah 9/15 at inalis ang pagpapakalubus-lubos sa pagmumumog sa sabi niyang: “Lubusin ang wuḍū’.”
Batay sa ḥadīth ayon kay `Abdullāh bin Zayd – malugod si Allāh sa kanya – hinggil katangian ng wuḍū’ ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – na nagsabi: “…ipinasok niya ang kamay niya at inilabas ito. Nagmumog siya at suminghot ng tubig mula sa iisang palad at ginawa niya iyon nang tatlong ulit.” Isinaysay ito ni Al-Bukhārīy na may numerong 192. Isinaysay ito ni Muslim na may numerong 235.
Ito ay ang pagsisimula sa pagpahid niya sa ulo niya. Inilalagay niya ang mga kamay niya sa harapan ng ulo niya. Pagkatapos ay ipinupunas niya ang mga ito hanggang sa batok ng ulo niya. Pagkatapos ay ibinabalik niya ang mga ito sa lugar na pinagsimulan niya. Ang babae rin ay gagawa ng sunnah na ito sa mismong paraan. Ang anumang lumabis sa buhok lampas sa leeg ng babae, tunay na ito ay hindi papahiran. Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay `Abdullāh – malugod si Allāh sa kanya – hinggil sa katangian ng wuḍū’ ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – at nasaad dito: “Nagsimula siya sa harapan ng ulo niya. Pagkatapos ay ipinupunas niya ang mga ito hanggang sa batok niya. Pagkatapos ay pinanunumbalik niya ang mga ito hanggang sa makabalik sa lugar na pinagsimulan niya.” Isinaysay ito ni Al-Bukhārīy na may numerong 185. Isinaysay ito ni Muslim na may numerong 235.
Ang unang paghugas ay isinasatungkulin. Tungkol naman sa ikalawa at ikatlo, ito ay sunnah. Hindi magpapalabis sa tatlo. Nagpapatunay rito: Ang napagtibay ayon kay Al-Bukhārīy – kaawaan siya Allāh – mula sa ḥadīth ayon kay Ibnu `Abbās – malugod si Allāh sa kanilang dalawa: “Na ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsagawa ng wuḍū’ nang tig-iisang ulit [na paghuhugas].” Isinaysay ito ni Al-Bukhārīy na may numerong 157. Napagtibay din ayon kay Al-Bukhārīy mula sa ḥadīth ayon kay `Abdullāh bin Zayd – malugod si Allāh sa kanya: “Na ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsagawa ng wuḍū’ nang tigdadalawang ulit [na paghuhugas].” Isinaysay ito ni Al-Bukhārīy na may numerong 158. Napagtibay din sa Ṣaḥīḥān mula sa ḥadīth ni `Uthmān – malugod si Allāh sa kanya: “Na ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsagawa ng wuḍū’ nang tig-tatatlong ulit [na paghuhugas].” Isinaysay ito ni Al-Bukhārīy na may numerong 159. Dahil dito, ang pinakamainam ay ang pag-iiba paminsan-minsan. Kaya paminsan-minsan, magsasagawa ng wuḍū’ nang tig-iisang hugas; paminsan-minsan, tigdadalawang hugas; paminsan-minsan, tigtatatlong hugas. Paminsan-minsan, iibahin ang bilang. Huhugasan halimbawa ang mukha nang tatlong ulit, ang mga kamay nang dalawang ulit, ang mga paa nang isang ulit, gaya ng nasaad sa Ṣaḥīḥān mula sa ḥadīth ni `Abdullāh bin Zayd – malugod si Allāh sa kanya – sa ibang sanaysay. Tingnan: Zād Al-Ma`ād 1/192. Subalit ang pinakanangingibabaw ay isagawa nang lubos na tigtatatlong hugas sapagkat ito ang patnubay ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.
Ayon kay `Umar – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “Kapag may isang kabilang sa inyo na nagsasagawa ng wuḍū’ at nilubus-lubos – o nilubos – ang wuḍū’, pagkatapos ay nagsasabi: Ashhadu an lā ilāha illā -llāh, wa anna Muḥammadan `abdu -llāhi wa rasūluh. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay alipin ni Allāh at Sugo Niya, bubuksan para sa kanya ang walong pinto ng Paraiso. Papasok siya mula sa alin ang niloob niya.)” O ang nasaad sa ḥadīth ayon kay Abū Sa`īs – malugod si Allāh sa kanya: “Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū’ at natapos sa wuḍū’ niya at nagsabi ng – Subḥānaka -llāhumma wa biḥamdik, ashhadu an lā ilāha illa anta, astaghfiruka wa atūbu ilayka. (Napakamaluwalhati Mo, o Allāh, at kalakip ng papuri sa iyo, sumasaksi ako na walang Diyos kundi Ikaw, humihingi ako ng tawad sa Iyo, at nagbabalik-loob ako sa Iyo.) – ay tatatakan ni Allāh dahil doon ng isang pantatak. Pagkatapos ay iaangat sa ilalim ng Trono at hindi mababasag hanggang sa Araw ng Pagkabuhay.” Isinaysay ito ni An-Nasā’īy sa `Amal Al-Yawm wa Al-Laylah (Gawain sa Araw at Gabi), pahina 147. Isinaysay rin ito ni Al-Ḥākim 1/752. Itinuring na tumpak ang kawing ng pananalaysay nito ni Ibnu Ḥijr – kaaawaan siya ni Allāh. Tingnan: Natā’ij Al-Afkār 1/246. Nilinaw niya na kung hindi tumumpak ito bilang marfū` (umabot sa Propeta ang kawing ng pananalaysay), ito ay mawqūf (umabot sa kasamahan lamang ng Propeta ang kawing ng pananalaysay). Hindi makapipinsala sa kanya iyon dahil ito ay may kahatulang marfū` at dahil ito ay kabilang sa walang puwang dito ang opinyon.