1 Dami ng mga pag-ulit
brightness_1
اللَّهُ لَا إِلَهَ إِلَّا هُوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ لَا تَأْخُذُهُ سِنَةٌ وَلَا نَوْمٌ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ مَنْ ذَا الَّذِي يَشْفَعُ عِنْدَهُ إِلَّا بِإِذْنِهِ يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلَا يُحِيطُونَ بِشَيْءٍ مِنْ عِلْمِهِ إِلَّا بِمَا شَاءَ وَسِعَ كُرْسِيُّهُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَلَا يَئُودُهُ حِفْظُهُمَا وَهُوَ الْعَلِيُّ الْعَظِيمُ
Itinuturing na sunnah ang pagbigkas ng Āyatulkursīy sa sandali ng pagtulog at natatamo rito ang pangangalaga laban sa demonyo hanggang mag-umaga. Nagpapatunay rito: Ang kuwento ni Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya – kasama ng nagnanakaw mula sa zakāh. Ito sa bawat pagkakataon ay dumaraing ng pangangailangan at karukhaan. Noong inulit nito iyon sa ikatlong pagkakataon, nagpasya si Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya – na isampa ang usapin nito sa Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsabi ito: “Hayaan mo akong magturo sa iyo ng mga pananalitang magdudulot ng pakinabang sa iyo si Allāh sa pamamagitan ng mga iyon.” Nagsabi ako: “Ano iyon?” Nagsabi ito: “Kapag humiga ka sa higaan, bigkasin mo ang Āyatulkursīy: Allāhu lā ilāha illā huwa -lḥayyu -lqayyūm… hanggang sa matapos mo ang āyah. Tunay na ikaw ay hindi mawawalan mula kay Allāh ng isang tagapangalaga sa iyo at hindi nga malalapitan ng isang demonyo hanggang sa mag-umaga.” Kaya pinawalan ko ito at inumaga ako. Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “Ano ang ginawa ng bihag mo kahapon?” Nagsabi ako: “O Sugo ni Allāh, nag-angkin siya na siya ay magtuturo sa akin ng mga pananalitang magdudulot ng pakinabang sa akin si Allāh sa pamamagitan ng mga iyon.” Kaya pinalaya ko ito. Nagsabi siya: “Ano iyon?” Nagsabi ako: “Nagsabi ito sa akin: Kapag nahiga ka sa higaan mo, bigkasin mo ang Āyatulkursīy mula sa simula nito hanggang sa matapos ang āyah: Allāhu lā ilāha illā huwa -lḥayyu -lqayyūm…” Nagsabi pa ito sa akin: “Hindi mawawala sa iyo mula kay Allāh ang isang tagapangalaga at hindi nga makalalapit sa iyo ang isang demonyo hanggang sa mag-umaga.” Sila noon ay pinakamasigasig sa anuman sa kabutihan kaya nagsabi ang Propeta - pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: “Kaingat, tunay na siya ay nagsabi ng totoo sa iyo gayong siya ay pasinungaling. Nakikilala mo ang kinakausap mo magmula tatlong gabi, o Abū Hurayrah?” Nagsabi ito: “Hindi po.” Nagsabi siya: “Iyan ay demonyo.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 2311 at ni Imām An-Nasā’iy sa As-Sunan Al-Kubrā na may numerong 10795.
brightness_1 Batay sa ḥadīth ayon kay Abū Mas`ūd Al-Anṣārīy – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “Ang sinumang bumigkas ng dalawang talata mula sa hulihan ng Sūrah Al-Baqarah sa gabi, sasapat na ito sa kanya.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 4008. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 807. Ang dalawang āyah sa hulihan ng Sūrah Al-Baqarah ay hindi kabilang sa mga dhikr sa pagtulog sa paraang natatangi. Ito ay dhikr lamang na sinasabi sa gabi. Kaya ang sinumang hindi bumigkas ng dalawang ito sa gabi at naalaala iyon sa sandali ng pagtulog niya, bigkasin niya ang mga ito sa sandaling iyon. Nagkaiba-iba sa kahulugan ng “sasapat na ito sa kanya” Sinabi: Sasapat na ito sa kanya sa pagsasagawa ng qiyāmullayl. Sinabi rin: Sasapat na ito sa kanya laban sa demonyo. Sinabi: Sasapat na ito sa kanya sa mga kasiraan. Posible ang lahat gaya ng sinabi ni Imām An-Nawawīy – kaawaan siya ni Allāh. Tingnan: Sharḥ An-Nawawīy Li-Muslim, Ḥadīth 808, Kabanata: Ang Kalamangan ng Al-Fātiḥah at mga Wakas ng Sūrah Al-Baqarah. .......
3 Dami ng mga pag-ulit
brightness_1 C. Ang Pagbigkas ng Sūrah Al-Ikhlāṣ, ang Dalawang Mu`awwidhatayn, ang Pagbuga ng mga Ito sa mga Palad, Pagkatapos ay ang Pagpapahid sa Katawan ng mga Ito nang Tatlong Ulit. Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya: “Siya noon – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – kapag humiga sa higaan niya tuwing gabi, ay nagdidikit ng mga palad niya. Pagkatapos ay bumubuga sa mga ito at bumibigkas sa mga ito ng [sūrah ng] Qul huwa –llāhu aḥad, [sūrah ng] Qul a`ūdhu birabbi –lfalaq, at [sūrah ng] Qul a`ūdhu birabbi –nnās. Pagkatapos ay ipinupunas niya ang mga ito sa abot ng makakaya niya sa katawan niya. Nagsisimula siya sa [pagpunas ng] mga ito sa ulo niya, mukha niya, at anumang nakaharap mula sa katawan niya. Ginagawa niya iyon nang tatlong ulit.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy 5017. Mahihinuha mula sa naunang ḥadīth na ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagpapatupad noon ng sunnah na ito sa bawat gabi batay sa sabi ni `Ā’ishah – malugod si Allāh sa kanya: “bawat gabi” at na ang sinumang nagnais na magpatupad ng sunnah na ito, siya ay magdidikit ng mga palad niya, pagkatapos ay bubuga siya sa mga ito pagkabigkas ng mga sūra 112, 113, at 114. Pagkatapos ay ipampupunas niya ang mga kamay sa abot ng makakaya niya sa katawan niya, nagsisimula sa ulo niya. Gagawin niya iyon ng tatlong ulit. .......
brightness_1 Batay sa ḥadīth ayon kay `Urwah bin Nawfal ayon sa ama niya – malugod si Allāh sa kanya: Ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsabi kay Nawfal: “Bigkasin mo ang Qul yā ayyuha -lkāfirūn. Pagkatapos ay matulog sa wakas nito sapagkat ito ay pagpapawalang-kaugnayan sa shirk.” Isinaysay ito nina Imām Aḥmad na may numerong 21934, at Imām Abū Dāwud na may numerong 5055. Isinaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy na may numerong 3403. Itinuring na maganda ito ni Al-Albānīy – kaawaan siya ni Allāh. .......
بِاسْمِكَ اللَّهُمَّ أَمُوتُ وَأَحْيَا
“Bi-smika -llāhumma amūtu wa aḥyā. (Sa ngalan Mo, o Allāh, nabubuhay ako at mamatay ako.)” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 6324, mula sa ḥadīth ayon kay Ḥudhayfah – malugod si Allāh sa kanya.
اللَّهُمَّ رَبَّ السَّمَاوَاتِ وَرَبَّ الأَرْضِ وَرَبَّ الْعَرْشِ الْعَظِيمِ، رَبَّنَا وَرَبَّ كُلِّ شَيْءٍ، فَالِقَ الْحَبِّ وَالنَّوَى، وَمُنْزِلَ التَّوْرَاةِ وَالإِنْجِيلِ وَالْفُرْقَانِ، أَعُوذُ بِكَ مِنْ شَرِّ كُلِّ شَيْءٍ أَنْتَ آخِذٌ بِنَاصِيَتِهِ، اللَّهُمَّ أَنْتَ الأَوَّلُ فَلَيْسَ قَبْلَكَ شَيْءٌ ، وَأَنْتَ الآخِرُ فَلَيْسَ بَعْدَكَ شَيْءٌ، وَأَنْتَ الظَّاهِرُ فَلَيْسَ فَوْقَكَ شَيْءٌ، وَأَنْتَ الْبَاطِنُ فَلَيْسَ دُونَكَ شَيْءٌ، اقْضِعَنَّا الدَّيْنَ وَأَغْنِنَا مِنَ الْفَقْرِ
“Allāhumma rabba -ssamāwāti -ssab`i wa rabba -l’arḍi wa rabba -l`arshi -l`adhīm, rabbanā wa rabba kulli shay’, fāliqa -lḥabbi wa -nnawā, wa munzila -ttawrāti wa -l’injīli wa -lfurqān, a`ūdhu bika min sharri kulli shay’in anta ākhidhum bināṣiyatih. Allāhumma anta -l’awwalu falaysa qablaka shay’, wa anta -l’ākhiru falaysa ba`daka shay’, wa anta -dhdhāhir falaysa fawqaka shay’, wa anta -lbāṭinu falaysa dūnaka shay’, iqḍi `annā -ddayna wa aghninā mina -lfaqr. (O Allāh, Panginoon ng pitong langit, Panginoon ng lupa, at Panginoon ng tronong sukdulan sa laki, Panginoon namin at Panginoon ng bawat bagay, tagapagpabuka ng mga butil at mga buto, tapagpababa ng Torah, Ebanghelyo, at Furqān, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa bawat bagay na Ikaw ay dadaklot sa bumbunan nito. O Allāh, Ikaw ang Una kaya walang anuman bago Mo, Ikaw ang Huli kaya walang anuman matapos Mo, Ikaw ang Nangingibabaw kaya walang anuman sa ibabaw Mo, Ikaw ang Nakaaarok kaya walang anuman sa ilalim Mo. Wakasan Mo para sa amin ang pagkakautang at payamanin Mo kami laban sa karalitaan.)” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2713.
بِاسْمِكَ رَبِّ وَضَعْتُ جَنْبِي وَبِكَ أَرْفَعُهُ إِنْ أَمْسَكْتَ نَفْسِي فَارْحَمْهَا وَإِنْ أَرْسَلْتَهَا فَاحْفَظْهَا بِمَا تَحْفَظُ بِهِ عِبَادَكَ الصَّالِحِينَ
“Bi-smika rabbī waḍa`tu jambī, wa bika arfa`uhu, fa’in amsakta nafsī fa-rḥamhā, wa in arsaltahā fa-ḥfadhhā bimā taḥfadhu bihi `ibādikā -ṣṣālihīn. (Sa ngalan Mo Panginoon ko ay inilalapag ko ang tagiliran ko, at sa Iyo ay inaangat ko ito. Kaya kung kukunin Mo ang kaluluwa ko ay kaawaan Mo ito, at kung pababalikin Mo ito ay pangalagaan Mo ito sa pamamagitan ng ipinangangalaga Mo sa mga lingkod Mong matutuwid.)” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 6302. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2714.
الْحَمْدُ للّهِ الَّذِي أَطْعَمَنَا وَسَقَانَا، وَكَفَانَا وَآوَانَا، فَكَمْ مِمَّنْ لاَ كَافِيَ لَهُ وَلاَ مُؤْوِي
“Alḥamdu lillāhi -lladhī aṭ`amanā wa saqānā wa kafānā wa āwānā, fakam mimman lā kāfiya lahu wa lā mu’wiya. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa atin, nagpainom sa atin, nagbigay ng kasapatan sa atin, at nagpatira sa atin sapagkat kay rami ng [taong] walang nagbibigay ng kasapatan sa kanya at walang nagpapatuloy.)” Mula sa ḥadīth ayon kay Anas – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – kapag humiga siya noon sa higaan niya, ay nagsasabi: Alḥamdu lillāhi…” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2715.
اللَّهُمَّ قِنِي عَذَابَكَ يَوْمَ تَبْعَثُ عِبَادَكَ
“Allāhumma qinī `adhābaka yawma tab`athu `ibādāk. (O Allāh, iligtas Mo ako sa parusa Mo sa Araw na bubuhayin Mo ang mga lingkod Mo.)” Isinaysay ito nina Imām Aḥmad na may numerong 18660. Itinuring na tumpak ito ni Al-Albānīy, Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` 2/869..
100 Dami ng mga pag-ulit
سبحان الله (33)، الحمد لله (33)، الله أكبر (34) م
Kabilang sa sunnah na magluwalhati nang 33 ulit, magpuri kay Allāh – pagkataas-taas Niya – nang 33, at magdakila kay Allāh – pagkataas-taas Niya – nang 34 ulit, kapag ninais matulog. Kaya mayroon itong mabigat na kalamangan: ito ay nagbibigay sa katawan ng lakas sa araw. Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay `Alīy – malugod si Allāh sa kanya: “Si Fāṭimah ay dumaing ng kalyong natatagpuan niya sa kamay niya dahil sa gilingan. May pumunta sa Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – na isang bihag [sa digmaan] kaya pumunta siya ngunit hindi niya natagpuan ito. Nakatagpo niya si `Ā’ishah at ipinabatid niya rito. Noong dumating ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ipinabatid dito ni `Ā’ishah ang pagpunta ni Fāṭimah sa kanya. Kaya pumunta ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – sa amin noong nakahiga na kami sa mga higaan namin. Kaya tinangka naming tumindig ngunit nagsabi ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Manatili kayong dalawa. Umupo siya sa pagitan namin hanggang sa naramdaman ko ang lamig ng paa niya sa dibdib ko. Pagkatapos ay nagsabi siya: Hindi ba ako magtuturo sa inyo ng higit na mabuti kaysa sa hiniling ninyong dalawa? Kapag humiga sa mga higaan ninyo ay magdakila kayong dalawa kay Allāh nang tatlumpu’t apat, magluwalhati kayong dalawa nang tatlumpu’t tatlo, at magpuri kayong dalawa nang tatlumpu’t tatlo. Ito ay higit na mabuti para sa inyong dalawa kaysa sa alila.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 3705. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2727. Sa isang sanaysay: Nagsabi si `Alīy – malugod si Allāh sa kanya: “Hindi ko itinigil iyon magmula nang narinig ko iyon mula sa Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.” Sinabi sa kanya: “Ni sa gabi ng Ṣiffīn?” Nagsabi siya: “Ni sa gabi ng Ṣiffīn.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 5362. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2727.
اللَّهُمَّ إِنِّي أَسْلَمْتُ وَجْهِي إِلَيْكَ، وَفَوَّضْتُ أَمْرِي إِلَيْكَ، وَأَلْجَأْتُ ظَهْرِي إِلَيْكَ، رَغْبَةً وَرَهْبَةً إِلَيْكَ. لاَ مَلْجَأَ وَلاَ مَنْجَا مِنْكَ إِلاَّ إِلَيْكَ، آمَنْتُ بِكِتَابِكَ الَّذِي أَنْزَلْتَ، وَبِنَبِيِّكَ الَّذِي أَرْسَلْتَ
H. “Allāhumma aslamtu wajhī ilayka, wa fawwaḍtu amrī ilayka, wa alja’tu dhahrī ilayka, raghbatan wa rahbatan ilayka, lā malja’a wa lā manjā minka illā ilayka, āmantu bikitābika -lladhī anzalta wa binabīyika -lladhī arsalta. (O Allāh, isinuko ko ang mukha ko sa Iyo, ipinagkatiwala ko ang kapakanan ko sa Iyo, at ikinanlong ko ang likod ko sa Iyo, dahil sa pangingilabot at pagmimithi sa Iyo. Walang makakanlungan at walang maliligtasan mula sa Iyo malibang sa Iyo. Sumampalataya ako sa Aklat Mo na ibinaba Mo at sa Propeta Mo na isinugo Mo.)” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 247. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2710. Sa hulihan ng ḥadīth ay nagsabi ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “gawin mo ang mga ito na kabilang sa huli sa pagsasalita mo sapagkat kung namatay ka sa gabi mong ito, namatay ka habang ikaw ay nasa kalikasan ng pagkalalang.” Sa isang sanaysay ni Imām Muslim: “kung inumaga ka, inumaga ka sa kabutihan.” Sa ḥadīth na ito ay may paglilinaw sa iba pang sunnah: ang pagtalaga sa dhikr na ito bilang huling bagay na sasalitain ng tao bago matulog. Dito ay may dakilang gantimpala sa kung sakaling itinakdang mamatay siya sa gabing iyon. Tunay na siya ay magiging kabilang sa namatay sa kalikasan ng pagkalalang. Nangangahulugan ito: Siya ay namatay sa sunnah, sa kapaniwalaan ni Abraham – sumakanya ang pangangalaga – bilang makakatotohanan. Kung inumaga siya, inumaga siya sa kabutihan sa panustos sa kanya at gawain niya. Ito ay pananalitang sumasaklaw sa nauna at iba pa. Si Allāh ay higit na nakaaalam.
اللَّهُمَّ أَنْتَ رَبِّي لَا إِلَهَ إِلَّا أَنْتَ خَلَقْتَنِي وَأَنَا عَبْدُكَ وَأَنَا عَلَى عَهْدِكَ وَوَعْدِكَ مَا اسْتَطَعْتُ أَعُوذُ بِكَ مِنْ شَرِّ مَا صَنَعْتُ أَبُوءُ لَكَ بِنِعْمَتِكَ عَلَيَّ وَأَبُوءُ لَكَ بِذَنْبِي فَاغْفِرْ لِي فَإِنَّهُ لَا يَغْفِرُ الذُّنُوبَ إِلَّا أَنْتَ
Kabilang sa karapat-dapat tawagan ng pansin: Ito ay dakilang dhikr. Ito ay isang dahilan sa dakilang kalamangang ipinagkaloob ng Mataas na Dakila – kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya. Ito ang nasaad sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy, mula sa ḥadīth ayon kay Shaddād bin Aws – malugod si Allāh sa kanya – ayon sa Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “Ang pinuno ng paghingi ng tawad ay magsabi ka: Allāhumma anta rabbī, lā ilāha illā anta, khalaqtanī wa anā `abduka, wa anā `alā `ahdika wa wa`dika ma -staṭa`tu, a`ūdhu bika min sharri mā ṣana`tu, abū’u laka bini`matika `alayya, wa abū’u laka bidhambī, fa-ghfir lī fa’innahū lā yaghfiru -dhdhunūba illā anta. (O Allāh, Ikaw ang Panginoon ko. Walang Diyos kundi Ikaw. Nilikha Mo ako at ako ay alipin Mo. Ako ay nasa ilalim ng kasunduan sa Iyo at pangako sa Iyo hanggang sa abot ng makakaya ko. Nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa masama sa nagawa ko. Kinikilala ko sa Iyo ang biyaya Mo sa akin. Kinikilala ko sa Iyo ang kasalanan ko kaya patawarin Mo ako sapagkat walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw.)” Nagsabi siya: “Ang sinumang nagsabi nito sa maghapon habang nakatitiyak dito at namatay sa araw niyang iyon bago gumabi, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso. Ang sinumang nagsabi nito sa gabi habang siya ay nakatitiyak dito at namatay bago nag-umaga, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 6306.
اللَّهُمَّ خَلَقْتَ نَفْسِي وَأَنْتَ تَوَفَّاهَا، لَكَ مَمَاتُهَا وَمَحْيَاهَا، إِنْ أَحْيَيْتَهَا فَاحْفَظْهَا، وَإِنْ أَمَتَّهَا فَاغْفِرْ لَهَا، اللَّهُمَّ إِنِّي أَسْأَلُكَ الْعَافِيَةَ
“Allāhumma innaka khalaqta nafsī wa anta tawaffāhā, laka mamātuhā wa maḥyāhā, in aḥyaytahā fa-ḥfadhhā, wa in amattahā fa-ghfir lahā, allāhumma innī as’aluka -l`āfiyah. (O Allāh, tunay na Ikaw ay lumikha sa kaluluwa ko, at ikaw ay babawi nito. Nasa Iyo ang kamatayan nito at ang buhay nito. Kung bibigyang-buhay Mo ito, at kung aalisan Mo ito ng buhay ay patawarin Mo ito. O Allāh, tunay ako ay humihiling sa Iyo ng kagalingan.)” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2712.