languageIcon
search
search
brightness_1 Ṣalāh na 2 Rak`ah Bago ng Maghrib

Batay sa ḥadīth ayon kay `Abdullāh bin Mughaffal Al-Muznīy – malugod si Allāh sa kanya – ayon sa Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – na nagsabi: “Magdasal kayo bago ang ṣalāh sa maghrib,” at nagsabi siya sa ikatlo, “para sa sinumang nagnais” dahil sa pagkasuklam na gawin ito ng mga tao na sunnah.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 1183. Gayon din, Itinuturing na Sunnah ang Ṣalāh na Dalawang Rak`ah sa Pagitan ng Bawat Adhān at Iqāmah. Magkatulad lamang kung ang dalawang rak`ah na ito ay rātibah gaya ng sa fajr at dhuhr sapagkat tunay na makasasapat sa ṣalāh niya ang rātibah kapalit ng dalawang rak`ah na ito, o kung nakaupo sa masjid at nagsagawa ng adhān para sa ṣalāh sa `aṣr o `ishā’ sapagkat tunay na bahagi ng sunnah na tumindig at magdasal ng dalawang rak`ah. Nagpapatunay rito: Ang ḥadīth ayon kay `Abdullāh bin Mughaffal Al-Muzanīy – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh: “Sa pagitang ng dalawang panawagan ay may dasal.” Inulit niya ito ng tatlong ulit. Nagsabi siya sa ikatlo: “Para sa sinumang nagnais.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 624. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 838. Walang duda na ang dalawang rak`ah bago ang maghrib o sa pagitan ng bawat dalawang panawagan ay hindi binibigyang-diin gaya ng pagbibigay-diin sa mga sunnah rātibah. Hindi ito isinasagawa magkaminsan lamang. Dahil dito, nagsabi ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – sa ikatlo: “para sa sinumang nagnais” dahil sa pagkasuklam na gawin ito ng mga tao na sunnah.