Nauna na ang pagtatalakay sa mga sunnah rātibah at ang paglilinaw rito. Bago ang ṣalāh sa `aṣr ay walang anumang ṣalāh na sunnah. Nagsabi si Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah – kaawaan siya ni Allāh: “Tungkol naman sa [ṣalāh] bago ang `aṣr, walang nagsabing isa man na ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagdarasal noon [ng sunnah] bago ang `aṣr, maliban sa [sanaysay na] may kahinaan, bagkus ay kamalian.” Tingnan: Al-Fatāwā 23/125. Ang tama – si Allāh ay higit na nakaaalam – ay hindi itinuturing na sunnah ang takdang sunnah na ṣalah bago ang [ṣalāh sa] `aṣr. Nanatili lamang ang ṣalah [na ito] na malayang maisasagawa. Kaya naman ang sinumang nagnanais na magdasal ng dalawang rak`ah o higit pa roon bilang lubos na kusang-loob gaya ng pagdarasal niya sa ibang mga oras maliban pa sa mga araw ng pagbabawal [ng pagdarasal] ay nasa kanya na iyon. Ang anumang takdang ṣalāh bago ang `aṣr ay wala nito.