Ang pinakadakila rito ay ang pagbigkas sa Aklat ni Allāh – pagkataas-taas Niya – sapagkat ang paggamit bilang pagsamba sa pamamagitan ng pagbigkas nito ay pumuyat sa mga mata ng Salaf at nagkait ng mga tulog nila (Qur’ān 51:17-18): “Sila noon ay kakaunti mula sa gabi ang itinutulog. Sa mga huling bahagi ng gabi, sila ay humihingi ng tawad.” Kaya natipon nila sa gabi nila ang pagbigkas sa Aklat ni Allāh – pagkataas- taas Niya – at nalalabing mga dhikr na iniulat buhat sa Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – kaya kahanga-hanga ang isang gabing bumuti dahil sa pagdarasal ng mga tao sa Kanya. Kalungkot-lungkot ang pagsasayang natin, ang pagpapawalang-bahala natin, at ang pagpapabaya natin sa mga gabi natin at mga madaling-araw natin! Sana ay maligtas sa pagsuway sa Diyos natin. Ito ay malibang naawa sa atin ang Panginoon – pagkataas-taas Niya. Papaano noon ang mga kasamahan kasama ng Qur’ān? Naunang nabanggit ito sa unang bahagi ng mga sunnah mula sa ḥadīth ayon kay Ḥudhayfah kung papaano ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – bumibigkas sa iisang rak`ah ng Sūrah Al-Baqarah. Pagkatapos ay Sūrah An-Nisā’. Pagkatapos ay Sūrah Āl `Imrān. Ayon kay Abū Wā’il, ayon kay `Abdullāh – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Nagdasal ako kasama ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – isang gabi at hindi siya tumigil sa pagkakatayo hanggang sa nagpasya ako ng isang masagwang bagay. Nagsabi kami: At ano ang ipinasya mo? Nagsabi siya: Nagpasya akong umupo at iwan ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 1135. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 773. Sa Ṣaḥīḥān, ayon kay `Abdullāh bin `Amr – malugod si Allāh sa kanilang dalawa – na nagsabi: “Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Bigkasin mo ang Qur’ān sa bawat buwan. Nagsabi ako: Tunay na ako ay nakatatagpo ng lakas. Nagsabi siya: Kaya bigkasin mo ito sa loob ng dalawampung araw. Nagsabi ako: Tunay na ako ay nakatatagpo ng lakas. Nagsabi siya: Kaya bigkasin mo ito sa loob ng pitong araw at huwag kang magdagdag doon.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 5054. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 1159. Yamang ang mga kasamahan – malugod si Allāh sa kanila – ang pinakamasigasig sa mga tao sa Qur’ān, sila noon ay nanghihinayang sa hindi pagkabigkas nito kaya naman gumawa para sa kanila ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ng isang pagkakataong maitutumbas nila sa hindi nila nabigkas mula sa Qur’ān. Isinaysay ni Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ niya ang ḥadīth ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Nagsabi ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Ang sinumang nakatulog nang hindi nakabibigkas ng bahagi niya [sa Qur’ān] o ng anuman mula rito ngunit binigkas niya ito sa pagitan ng dasal sa madaling-araw at dasal sa tanghali, itatala para sa kanya na para bang binigkas niya lamang ito sa gabi.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 747. Kaya Panginoon ko, isunod Mo kami sa kanila sa kabila ng pagkukulang namin at mga pagkalingat namin. Ayon kay Aws bin Ḥudhayfah – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Tinanong ko ang mga kasamahan ng Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Papaano ninyong hinahati ang Qur’ān? Nagsabi sila: Tatlo, lima, pito, siyam, labing-isa, labing-tatlo, at ḥizbu-lmufaṣṣal lamang.” Isinaysay ito ni Imām Aḥmad na may numerong 16166. Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud na may numerong 1393. Ang tinutukoy ng “tatlo” ay simula ng tatlong sūrah sa unang araw. Pagkatapos ang “lima” ay sumusunod doon sa ikalawang araw. Ganito hanggang sa matapos nila ang Qur’ān sa isang linggo. Ganito noon ang unang salinlahi kasama ng pinakadakilang dhikr, ang Qur’ān, sumunod sa bakas ng mga iyon ang sumunod sa mga iyon na Salaf dahil sila ay nahubog ayon sa pamamaraan ng paaralan ng mga iyon. Madalang kang makababasa ng talambuhay ng isa sa kanila na hindi mo matatagpuang ito noon ay tumatapos ng Qur’ān sa loob ng isang panahon. Ang karamihan sa kanila, ang nakagawian ay lingguhan: tinatapos nila tuwing isang linggo. Ayon kay Ḥammād bin Zayd, ayon kay `Aṭā’ bin As-Sā’ib: Si Abū `Abdirraḥmān ay nagsabi: “Nakuha namin ang Qur’ān buhat sa mga taong nagbalita sa amin na sila noon, kapag natuto ng sampung āyah, ay hindi lumalampas sa mga ito patungo sa ibang sampung āyah hanggang sa maisagawa nila ang nasa loob ng mga ito. Kaya kami noon ay natututo ng Qur’ān at ng pagsasagawa nito. Mamanahin ang Qur’ān matapos namin ng mga taong iinom nito gaya ng pag-inom ng tubig, na hindi lalampas sa mga balagat nila.”
Marami sa atin lalo na sa mga panahong ito kasabay ng dami ng pinagkakaabalahan ay dumaraing ng pangangalawang ng puso at kapabayaan niya. Ang buhay ng puso ay nasa pag-alaala Sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy mula sa ḥadīth ayon kay Abū Mūsā – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Nagsabi ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Ang paghahalintulad ng umaalaala sa Panginoon niya at ng hindi umaalaala sa Panginoon niya at tulad ng buhay at patay.” Sa Pananalita ni Imām Muslim, nagasabi ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “Ang paghahalintulad ng bahay na inaalaala si Allāh roon at ng bahay na hindi inaalaala si Allāh doon ay tulad ng buhay at patay.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 6407. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 779. Nagsabi si Ibnu Al-Qayyim – kaawaan siya ni Allāh – sa aklat niyang Madārij As-Sālikīn sa Bahagi: Ang Katayuan ng Pag-alaala: “Kabilang sa mga katayuan ng Sa Iyo lamang kami sumasamba at sa Iyo lamang kami nagpapatulong ay ang katayuan ng pag-alaala [kay Allāh]. Ito ay pinakamalaking katayuan ng mga tao, na mula rito ay nagbabaon sila, dito ay nangangalakal sila, at tungo rito ay nagbalik-balik sila. Ang pag-alaala ay laganap sa pagtangkilik, na ang sinumang binigyan nito ay napauugnay at sinumang pinagkaitan nito ay napahihiwalay. Ito ay pagkain ng mga puso ng mga tao, na kapag humiwalay sa mga ito, ang mga katawan ay magiging mga puntod para sa mga ito; at gusali ng mga tahanan nila na kapag nasira, ito ay maging hungkag…Ito ay pagningning ng mga puso, pagkinis ng mga ito, at gamot ng mga ito kapag binalot ang mga ito ng pagkakasakit. Sa tuwing nadadagdagan ang umaalaala sa pag-aalaala niya ng sigla, nadaragdagan ang inaalaala ng pagkaibig sa pakikipagtagpo sa kanya at pananabik…Ito ay pinto ni Allāh, na pinakadakila, na nakabukas sa pagitan Niya at ng lingkod Niya hanggat hindi isinasara ito ng tao sa pamamagitan ng kapabayaan niya.” Madārij As-Sālikīn 2/423. Nagsabi si Ibnu Al-Qayyim – kaawaan siya ni Allāh – sa aklat niyang Al-Wābil AṢ-Ṣayyib ng higit sa isandaang aral dulot ng pag-alaala, na makabubuti ang pagsangguni sa mga iyon sapagkat nasa mga iyon ang pumupukaw sa mga malasakit sa pagpapanatili sa dakilang pagsambang ito. Inilahad niya sa mga ito ang mga huwaran para sa mga nag-aalaala lalo na ang Shaykh niyang si Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah – kaawaan siya ni Allāh. Tingnan: Al-Wābil Aṣ-Ṣayyib p. 94.
Naghikayat si Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – sa pag-alaala sa Kanya sa maraming kalagayan. Kabilang sa mga ito: 1. Naghikayat si Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – sa mga lingkod Niya na magparami sila ng pag-alaala. Nagsabi si Allāh (Qur’ān 33:41): “O mga sumampalataya, alalahanin ninyo si Allāh nang madalas na pag-aalaala at luwalhatiin ninyo Siya sa umaga at gabi.” 2. Nangako si Allāh – pagkataas-taas Niya – sa mga lalaking nag-aalaala at mga babaing nag-aalaala ng kapatawaran at malaking kabayaran at gantimpala. Nagsabi si Allāh (Qur’ān 33:35): “ang mga lalaking umaalaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing umaalaala ay naghanda si Allāh para sa kanila ng kapatawaran at dakilang kabayaran.” 3. Nagbabala sa atin si Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – laban sa mga katangian ng mga nagpapanggap na sumampalataya sapagkat sila man ay nag-aalaala kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – ngunit pagnilayan mo ang sukat ng pag-alaala nila. Nagsabi si Allāh (Qur’ān 4:142): “Tunay na ang mga nagkukunwaring sumampalataya ay nagtatangkang linlangin si Allāh ngunit Siya ang lumilinlang sa kanila. Kapag tatayo sila para sa pagdarasal, tumatayo sila bilang mga tamad na nagpapakitang-gilas sa mga tao; at hindi nila naaalaala si Allāh kung hindi madalang.” 4. Nagbabala sa atin si Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – laban sa pagpapakaabala sa mga yaman at mga anak sa halip na sa pag-alaala sa Kanya – kapita-pitagan Siya at pagkataas-taas. Nagsabi si Allāh (Qur’ān 63:9): “O mga sumampalataya, huwag kayong lingatin ng mga yaman ninyo ni ng mga anak ninyo sa pag-alaala kay Allāh. Ang sinumang gumawa niyon, ang mga iyon ang mga malulugi.” 5. Pagnilayan mo kasama ko ang dakilang kalamangang ito at ang mataas na karangalan. Nagsabi si Allāh (Qur’ān 2:152): “Kaya alalahanin ninyo Ako, aalalahanin Ko rin kayo.” Nagsabi siya Ḥadīth Qudsīy: “Ako ay sa ganang pag-aakala ng lingkod Ko sa Akin at Ako ay kasama niya kapag naalaala niya Ako. Kaya kung naalaala niya Ako sa sarili niya, maaalaala Ko siya sa sarili Ko; at kung naalaala niya Ako sa madla, maaalaala Ko siya sa madlang higit na mabuti kaysa sa kanila.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 7405. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2675, mula sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya.
Ang nasaad sa sunnah ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – na mga uri ng dhikr ay marami. Kabilang sa mga ito ang sumusunod: 1. Ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya: “Ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsabi: Ang sinumang nagsabi ng — Lā ilāha illa llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu lmulku wa lahu lḥamd, wa huwa `alā kulli shay’in qadīr (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan) — sa isang araw nang isandaang ulit, magkakamit siya ng katumbas sa pagpapalaya sa sampung alipin, magsusulat para sa kanya ng isandaang magandang gawa, magpapawi sa kanya ng isandaang masagwang gawa, magkakaroon siya ng isang pananggalang laban sa demonyo sa araw niyang iyon hanggang sa gumabi. Walang sumambit na isa man ng higit na mainam kaysa sa sinambit niya maliban sa isang gumawa ng higit kaysa roon. Ang sinumang nagsabi ng Subḥāna -llāhi wa biḥamdihi (Napakamaluwalhati ni Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya) sa isang araw nang isandaang ulit, aalisin ang mga kasalanan niya kahit pa man ang mga ito ay tulad ng mga bula ng dagat.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 3293. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2691. 2. Ayon kay Ayyūb – malugod si Allāh sa kanya: “Nagsabi ang Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Ang sinumang nagsabi ng — Lā ilāha illa llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu lmulku wa lahu lḥamd, wa huwa `alā kulli shay’in qadīr (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay Makapangyarihan) — nang sampung ulit, siya ay naging gaya ng sinumang nagpalaya ng apat na tao mula sa mga anak ni Ismael.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 6404. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2693.
Ang nasaad sa sunnah ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – na mga uri ng dhikr ay marami. Kabilang sa mga ito ang sumusunod: 3. Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ - malugod si Allah sa kanya – na nagsabi: “Kami noon ay nasa piling ng Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – at nagsabi siya: Nanghihina ba ang isa sa inyo na magkamit sa bawat araw ng isang libong magandang gawa? Tinanong siya ng isang nagtatanong kabilang sa mga kaupuan niya: Papaano pong magkakamit ang isa sa amin ng isang libong magandang gawa? Nagsabi siya: Magluluwalhati siya ng isandaang pagluluwalhati at isusulat para sa kanya ang isang libong magandang gawa o aalisin sa kanya ang isang libong kasalanan.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2698. 4. Ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya: “Ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – ay nagsabi: Ang sinumang nagsabi ng Subḥāna -llāhi wa biḥamdihi (Napakamaluwalhati ni Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya) sa isang araw nang isandaang ulit, aalisin sa kanya ang mga kasalanan niya kahit pa man ang mga ito ay tulad ng mga bula ng dagat.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 6405. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2692. Sa isang sanaysay sa ganang kay Imām Muslim: “Ang sinumang nagsabi kapag nag-uumaga at kapag gumagabi ng Subḥāna -llāhi wa biḥamdihi (Napakamaluwalhati ni Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya) nang isandaang ulit. Walang sumambit na isa man sa Araw ng Pagkabuhay ng higit na mainam kaysa sa sinambit niya maliban sa isang nagsabi ng tulad ng sinabi niya o nagdagdag ito roon.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2692. Ang mga ḥadīth sa mga uri ng dhikr at kalamangan ng mga ito ay marami. Ang naunang nabanggit ay kabilang sa higit na tanyag at higit na tumpak sa nasaad na dhikr na may kalamangan. Nasaad ang maraming iba pa rito. Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Hindi ba ako gagabay sa iyo sa isang kayamanan mula sa mga kayamanan ng Paraiso? Kaya nagsabi ako: Siya nga po. Nagsabi siya: Sabihin mo: Lā ḥawla wa lā qūwata illā bi-llāh (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh).” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 4202. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2704. Ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Nagsabi ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Talagang ang magsabi ako ng Subḥāna llāh, alḥmadu lillāh, lā ilāha illa llāh, AT Allāhu akbar (Napakamaluwalhati ni Allāh, ang papuri ay ukol kay Allāh, walang Diyos kundi si Allāh, AT si Allāh ay pinakadakila) ay higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa sinisikatan ng araw.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2695.
Ang nasaad sa sunnah ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – na mga uri ng dhikr ay marami. Kabilang sa mga ito ang sumusunod: Ang paghingi ng tawad din ay kabilang sa mga uri ng dhikr. Nauna na ang ḥadīth ayon kay Al-Agharr Al-Muznīy – malugod si Allāh sa kanya – sa ganang kay Imām Muslim at ang sabi ng Propeta – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “Tunay na talagang nalilingat ang puso ko at tunay na ako ay talagang humihingi ng tawad kay Allāh sa isang araw nang isandaang ulit.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2702. Ito ay gawain niya – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – at hinimok nga niya ang paghingi ng tawad ayon sa sabi niya gaya ng nasa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Al-Agharr – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi rin: “Nagsabi ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: O mga tao, magbalik-loob kayo kay Allāh sapagkat tunay na ako ay nagbabalik-loob sa isang araw sa Kanya nang isandaang ulit.” Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2702. Sa ganang kay Al-Bukhārīy mula sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Narinig ko ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan – na nagsasabi: Sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang humihingi ng tawad kay Allāh at nagbabalik-loob sa Kanya sa isang araw nang higit sa pitumpong ullit.” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 6307. Kaya nararapat sa tao na hindi magpabaya sa paghingi ng tawad. Winawakasan ko ang sunnah ng dhikr – at ganito rin ang lahat ng mga sunnah na pang-araw-araw – sa pamamagitan ng isang dakilang dhikr na nasaad sa Ṣaḥīḥān, na ipinangwakas ni Imām Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ niya at ipinangwakas ni Ibnu Ḥijr sa aklat niyang Bulūgh Al-Marām – kaawaan silang dalawa ni Allāh. Ito ay ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah – malugod si Allāh sa kanya – na nagsabi: “Nagsabi ang Sugo ni Allāh – pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: May dalawang pangungusap na magaan sa dila, na mabigat sa timbangan, kaibig-ibig sa Napakamaawain: Subḥāna llāhi wa biḥamdihi, subḥāna llāhi l`adhīm (Napakamaluwalhati ni Allāh at kalakip na papuri sa Kanya, Napakamaluwalhati ni Allāh, ang Sukdulan).” Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy na may numerong 6406. Isinaysay ito ni Imām Muslim na may numerong 2694. Ang papuri ay ukol kay Allāh na sa pamamagitan ng biyaya Niya nalulubos ang mga matuwid na gawa.